KAHIT nasa Sunday PinaSaya si Valeen Montenegro, nilinaw nitong nasa TV5 pa rin siya.
Ani Valeen, nagpapasalamat siya sa TV5 dahil binigyan siya ng permiso para maging bahagi ng bagong Sunday noontime show ng GMA.
Ang Sunday PinaSaya ay produced ng APT Entertainment ni Tony Tuviera na blocktimer sa GMA at hindi ito station-produced.
Idinagdag pa ni Valeen na kasama pa rin siya sa cast ng sitcom na No Harm No Foul tuwing Linggo ng gabi sa TV5.
Kinuha ng APT si Valeen sa Sunday PinaSaya pagkatapos ng kanyang magandang dance performance sa Ballroom Pa More segment ng Eat Bulaga na produced din ni Boss Tony.
SHOWBIZ TIDBITS – James Ty III