Seguridad sa Makati Ave., underpass palpak din pala!
Jerry Yap
August 13, 2015
Opinion
GUSTO po natin manawagan sa mga Makati goers lalo na ‘yung mga enjoy na enjoy maglakad along Makati Ave., Ayala Ave., Pasong Tamo Ave., and Buendia Ave.
Mag-ingat po kayo sa mga tutok-kalawit o ipit gang na bigla na lamang didikit sa pedestrian para holdapin.
Isang kabulabog po natin ang nabiktima ng mga tutok-kalawit (isang uri ng panghoholdap) o ipit gang kamakalawa habang naglalakad sa hi-tech na underpass ng Makati City malapit sa Makati Avenue.
Naalala tuloy natin na maraming naglalakad sa nasabing area na mga estudyante ng Far Eastern University (FEU) at siyempre mga nagtatrabaho at residente mismo na kailangan gumamit ng underpass.
Napakabilis lang ng modus operandi. Mga dalawa hanggang tatlo katao ang sasabay sa “target victim.”
May dala pa kunwaring diyaryo o jacket ang suspek na didikit sa biktima. Habang ‘yung isa ay didikit rin para tuluyang maipit ang target victim.
Kapag napagitnaan na nila ang biktima, ilaladlad ang diyaryo para matakpan ang armas na ipinatututok nila saka magdedeklara ng holdap.
Kapag nakuha na ang valuables ng biktima mabilis na lalakad palayo sa biktima o kaya ay babalik paakyat sa kalyeng pinanggalingan gaya ng Makati Ave.
Presto!!!
Hindi na sila makikita ng biktima at hindi rin alam kung kanino hi-hingi ng tulong dahil walang makitang pulis sa paligid.
Tama ba ‘yun, PNP NCRPO chief, Gen. Joel Pagdilao?!
Mukhang kampanteng-kampanteng si Makati City police chief, Senior Supt. Manuel Lukban sa kanyang area of responsibility (AOR) lalo na sa talamak na holdapan sa underpass!?
Wala kasing masyadong maramdamang conflict si Kernel Lukban sa kanyang AOR?
O baka boring na ang kanyang posisyon diyan?! Kaya kahit deployment for police visibility ‘e hindi maasikaso ni Kernel Lukban?!
Ano sa palagay ninyo, Southern Police District (SPD) Director, C/Supt. Henry Rañola?!
Aba, mukhang tunay na barako ang dapat mong ipalit kay Kernel Lukban.
‘Yung mahilig sa aksiyon at hindi palamig-lamig o pahintay-hintay lang ng mga parating… na asunto.
‘Di ba NCRPO chief, Pagdilao?!
Makupad pa sa pagong ang Securities and Exchange Commission (SEC)
Narito pa ang isang ahensiya na tila nasasayang ang ipinasusuweldong taxpayers’ money.
Isang kaanak natin ang nagpunta riyan sa tanggapan ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa EDSA, Greenhills, Mandaluyong City para ipasa ang kanilang requirements.
Dumating sila roon before lunch dahil hindi naman nila akalain na ganoon kakupad magproseso ng papeles ang SEC.
Dahil nagtataka sa sobrang kakuparan, ‘e di nagmasid-masid sa paligid ‘yung kaanak natin.
Aba, walang tao sa bawat counter lalo na sa green lane.
Ang haba na ng pila sa iba’t ibang counter pero wala silang makitang authorized personnel to accept their documents.
Kaya tinanong na nila ‘yung ibang nakapila.
Aba, ‘yung iba daw ‘e 8:00 am pa roon pero mag-aalas-4:00 na ng hapon, hindi pa rin nila naipapasa ang kanilang mga dokumento.
Ano ba ang nangyayari diyan a teritoryo mo SEC Commissioner for corporate regulation David Balangue?!
Anak ng pusa!!!
Immigration Supervisor isalang sa lifestyle check! (Attention: SoJ Leila de Lima)
MUKHANG masyado nang mahaba ang suwerte ng isang Immigration Supervisor na nakatalaga riyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Talagang suwerteng-suwerte nga raw ang nasabing Immigration Supervisor mula nang sumikat sa kanyang Indian connections sa lalawigan ng Cebu noong araw.
Mukhang diyan nag-umpisa ang pagsikad ng kanyang pag-asenso at pagyaman dahil hawak n’ya ang payola mula sa mga bumbay.
Pagdating naman sa BI-NAIA, lumarga ng LOAN SHARK.
Naging ‘suking’ utangan ng mga nagigipit lalo na ng Airport Immigration employees na naka-ATM ang suweldo.
Kahit itanong pa n’yo kay Nora?!
Hindi pa rin naputol ang suwerte ni Immigration supervisor kung suwerte ngang matatawag ‘yan.
Ang sumunod na moonlighting ay pag-eeskort naman ng mga Chinese.
Nakabisado na nga ng mga kapwa taga-Immigration ang dialogue niya palagi na: “Taga-Federation ‘yan!”
Bwakanabits!!!
Kaya naman hindi na nagtataka ang kanyang mga kasamahan kung bakit parang mina ng langis na sumisirit ang kanyang yaman ngayon.
Pero kasabay ng pagyaman na ‘yan ‘e mukhang diyan na rin mamalasin ang nasabing Immigration supervisor dahil marami na ang humihiling na siya ay isalang a lifestyle check.
Kilala mo ba siya Bisor Rico ‘baby’ Pedrealba!?
Uhaw sa matitinong lider ang mga Pinoy
IBA talaga pag may kakayahan at talagang may nagawa na ‘yung isang lider na katulad nina Mayor Lim at Mayor Duterte. ‘Ika nga inuna ‘yung pagmamalasakit sa buong bayan. Gutom ngayon ang ating lipunan sa matitinong lider at mga mamamayang nasa tamang isip. Ang mga gaya nila ang pupuksa sa mga animal at walanghiya dito sa lipunan nating napunta sa kawalan. Maraming salamat po. Katropa Donald ng Tondo, Sta. Maria Tondo, Manila #+63919665 – – – –
Balintuwad na lipunan
MAGANDANG umaga ka Percy ka Jerry at sa buong tropa, tunay na baliktad dito sa patapon na lipunan natin kapag matitino ‘yung ang kalaban ‘ika nga mas angat ang mga walanghiya o mga salot, isang patunay lang ‘yan na busabos talaga ang taong bayan sa rehimen. Dapat ang sinabi ni Pnoy sa SONA niyang walang kwenta, thank you sa mga gumanap para pahirapan nang todo ang bawat mamamayan. ‘Yan ang ‘daang matuwid’ tungo sa walang humpay na kahayupan. Salamat po Katropa Donald ng Sta. Maria Tondo, Manila #+639196654545
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com