NATATAKA at nagtatanong ang Bayang Karerista kung ano raw ba ang ibig sabihin ng “Under Investigation” sa isang hinete na nakikita sa TV monitor?
Ito ba ay papatawan ng parusang suspensiyon tapos maimbestigahan ng mga inuukulan. Bakit daw puro “Under Investigation” na lang ang napapanood ng Bayang Karerista at walang resulta kung ano talaga ang nangyari?
Hindi magiging “Under Investigation” ang isang hinete kung wala itong ginawang “Katarantaduhan” sa ibabaw ng kanyang sakay na kabayo.
Dapat malaman ng Bayang Karerista ang resulta na sinasabi ninyo na “Under Investigation” ang isang hinete.
Iyon ay kung may magandang balita sa isang hinete na “Under Investigation…”
DI WOW!
oOo
Isang masugid na mambabasa ng Hataw ang nagpadala ng kanyang text message sa ating kolum tungkol sa palpak na BID ni MVP sa FIBA sa Tokyo, Japan.
Ito ang nilalaman ng kanyang text… We don’t have any china man’s chance against the Mighty China in Fiba bid in Tokyo, Japan.
No effect yung Puso campaign ni MVP. Mighty mouse ln tayo compare sa giant China. In terms of what we can offer to Fiba. Waste of money and face ang Phil delegation.
Nadamay pa si pacman.
The point is sayang yung perang ginastos sa palpak na bidding. Dapat binigay na lang sa mga walang pondo or kulang sa pondo ng training ng mga deserving athletes of different sports.
Palpak yung puso campaign ng SBP ni MVP…hindi puwedeng panay puso lang.
Wala tayong chance to beat China in that Fiba bidding held in Tokyo, Japan…nag-atrasan na nga yung other countries nang malamang china is bidding.
Binola lang ng mga alipores niya si MVP at sinabi…we have a strong chance to beat China in bidding. Tambak score 14 – 7.
It’s a big shame…dinala pa si Pacquiao at yung Hollywood actor…palpak alipores ni MVP. Binilog lang ulo niya.
oOo
Abangan po natin Bayang Karerista ang malalaking pakarera ng Philippine Racing Commission sa buwan ng Agosto.
Sa darating na linggo, Agosto 16, dalawang malaking karera ang mapapanood sa karerahan ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Ang PCSO National Grand Derby at 2015 Philracom George Y. Srtribling Memorial Stakes Race.
Suportahan natin ang karerang ito!
Dead Heat – Freddie M.
Mañalac