Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

65-anyos Inday utas sa hambalos ng live-in (Tumangging sumalo sa pagkain)

SUNTOK at walang habas na hambalos ng kahoy na uno por dos ang dinanas ng isang 65-anyos babae sa kinakasamang 64-anyos tricycle driver nang tumangging sumalo sa pagkain sa tinuluyang musoleo sa Manila North Cemetery, Sta. Crz, Maynila kamakalawa.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Ronila Banac habang naaresto ang suspek na si Romeo Torre, 64, tricycle driver, caretaker sa nasabing sementeryo.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 5 p.m. nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar nang magalit ang suspek sa madalas na pag-alis ng biktima at hindi pag-uwi sa kanilang tinutuluyan.

Ayon sa suspek, nakainom siya nang mangyari ang insidente at sobrang nagalit sa biktima nang sagutin siya nang pabalang.

“May 10 taon na kaming nagsasama niyang kabit ko (biktima), matagal na niya ‘yang ginagawa sa akin, kapag sinita ko sasabihin sa akin matanda na daw siya para hindi malaman kung saan siya matutulog, inabutan ko ‘yan nakikipag-inoman,” pahayag ng suspek.

Aniya, nang sitahin niya ay sinabi ng biktima na wala siyang pakialam kaya sa matindi niyang galit at hinampas niya ng uno por dos.

Pahayag pa ni PO3 San Pedro, maraming tama ang biktima at naawat lamang ang suspek nang agawin ng pamangkin na si Angelita Bartolome ang kahoy na inihataw kay Banac.

Leonard Basilio, may kasamang ulat nina Angelica Ballesteros, Rhea Fe Pasumbal, at Ann Mariel Eugenio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …