Thursday , January 9 2025

Try Me: Anong dapat gawin kung binuntis at pinaasa ka lang?

00 try me francine prieto
Hi Francine,

Ako po ay 7 months pregnant. Pero napaka-kom-plikado po ng sitwasyon namin ng boyfriend ko. Siya po kasi ay may 2 anak (2 years old at 1 year old) sa kanyang unang live-in partner. Hindi kami pwedeng magsama dahil ang sabi po niya ay hindi siya makaalis dun dahil balak niyang tapusin ang natitirang subjects niya sa course niyang criminology dahil ito ang pangarap niya at ayaw niyang sayangin ang pagkakataong pag-aaralin siya ng kanyang mga magulang bago mag-retire.

Sa totoo lang po hindi ko na alam ang dapat isipin at gawin. Mahal na mahal ko po sya at alam kong mahal din niya ako. Pero nitong huli naming pag-uusap noong July 20 pa, ang sabi niya gagawa siya ng paraan para mapuntahan ako pero hanggang ngayon ay  hindi pa rin siya nagpaparamdam. Hindi ko po alam kung dapat ko pa ba siyang asahan at hintayin para sa amin ng baby ko o magmove-on na ako dahil nga sa matagal na si-yang hindi nagpaparamdam? Ano po ba dapat kong gawin? Salamat po and more power!

CAMILLE

Dear Camille,

Sa dinami-daming tao sa mundo ang nakakapagtataka ay bakit umiibig tayo sa taong may komplikadong sitwasyon, tulad ng sitwas-yon ninyo ng boyfriend mo. Mahirap din sa side niya dahil wala pa nga siyang trabaho, magtatapos palang siya ng pag-aaral at may da-lawa pa siyang maliliit na anak tapos may kasunod pa, at hindi pa natin alam kung ilan pa ba ang nabuntisan niya, mukhang matinik at kulang sa pagiging respon-sable ang boyfriend mo.

Pero mas mahirap sa’yo dahil hindi biro magdala ng bata sa sinapupunan sa loob ng siyam na buwan pagkatapos hindi ka man lang da-mayan ng taong mahal mo. Ang maipapayo ko lang sa iyo ay ito, bigyan mo siya ng huling pagkakataon hanggang manganak ka, pero kung sakaling hindi na siya nagpakita at nagparamdam hanggang mailuwal mo ang anak mo, malinaw na hindi niya kayang panagutan kayo ng baby mo.

Alam kong mahirap ma-ging isang single mom, pero huwag kang mag-alala dahil nandyan ang Panginoon natin ibato mo lang sa kanya lahat ng nararamdaman mo, magdasal ka mula sa puso mo at hindi niya kayo pababayaan ng baby mo. At kapag ok ka na at kakayanin mo na magtrabaho, mag-apply ka at magsumikap para sa baby mo. Pero kung sakaling may manligaw ulit sa’yo sana sa pagkaka-taong ito ay maging mas maingat at maging mapili sa taong iibigin mo, siguraduhin mo na wala siya sa kom-plikadong sitwasyon, kaya niyang tanggapin kayo ng baby mo at higit sa lahat ay may hanapbuhay.

I’ll pray for you. Good Luck!

Love,

Francine

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamil-ya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at naresearch. Nasa sa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me  [email protected]

TRY ME – Francine Prieto

About Francine Prieto

Check Also

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Masakit na lalamunan at pamamaos pinagaan ng Krystall Nature Herbs at Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Isang masaganang …

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *