Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

081115 Prague Talent Competition

NAGWAGI sa Grand Prix ang 1st Philippine Team sa Prague at 1st Place sa Star Rain sa Prague Talent Competition mula Agosto 4-8, ginanap sa Prague, Czech Republic.

Ang 1st Philippine Team ay pinamunuan ng opisyal na katuwang sa Asia para sa European Competitions of Leider Leis Musik Produktions, Berlin at Managing Director ng Vega Entertainment Productions (VEP) na si Ms. Charie L. Vega. Nakipagtunggali sa pitong (7) bansa sa Europe gaya ng Germany, Russia, Bulagaria, Ukraine, Switzerland, Malta at Czech Republic.

Ito ang unang pagkakataon na binuksan ng Europe ang kanilang pintuan sa mga Asian at ang Filipinas ang nag-iisa at tanging bansang Asyano ang inanyayahang lumahok sa kompetisyon.

Ang delegadong si KRISSEL JOY VALDEZ ang nagwagi sa GRAND PRIX title sa kanyang awit na “I Believe in You and Me” ni Whitney Houston at si ALYSSA HERNANDEZ bilang 1st place sa kanyang piyesang “Chandelier” ni Sia.

Pinaniniwalaang ang mga Filipino ay biniyayaan ng talento na kinilala na sa Asia at America kaya ngayong kinikilala na rin sa Europa ay isang bagay na dapat ipagmalaki ng mga Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …