Monday , December 23 2024

Si Apo Marcos pa rin ang may kasalanan? (Sa malaking utang ng PH)

marcosNANG sisihin ang Palasyo sa alegasyon na lalong nalulubog sa pagkakautang ang Filipinas sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, umalma si Budget Secretary Butch Abad.

Sabi niya, kung tutuusin daw nababawasan na ang pagkakautang ng bansa sa ilalim ng pamahalaang Aquino.

At ang malaking porsiyento raw ng utang ng bansa ay minana pa sa rehimeng Marcos.

Ay sus!

Ilang dekada na bang hindi na presidente si Marcos?

Magtatatlong dekada nang hindi presidente si Marcos. Si Marcos pa rin ang nasisisi sa pagkalaki-laking utang ng bansa.

Ipinagmalaki rin ni Abad na mula sa 20 porsiyentong interest payment sa kabuuang budget ng bansa ay naging 14 porsiyento na lang daw ito.

‘E dapat nga, noon pa tayo nagdeklara ng debt moratorium, Secretary Abad, para naman makaahon tayo sa kahirapan. 

Sa totoo lang, bilang isang mahusay na social democrats, alam na alam mo na palliatives lang o patsi-patsi ang mga programa ninyo sa poverty alleviation gaya ng CCT o 4Ps programa ninyo.

Bilyones ang pondo riyan, Secretary Abad, pero subukan mo kayang mag-ikot gabi-gabi sa buong Metro Manila at iba pang metropolitan area sa ibang probinsiya sa bansa, ewan ko lang kung hindi madurog ang puso mo kapag nakita mo ang mga kababayan nating natutulog sa mga bangketa.

‘Yung iba nga sa napakakitid na gutter isinisiksik ang mga yayat na katawan maipahinga lang sa maghapong pagkakabilad sa init ng araw.

Kung epektibo ang 4Ps ng gobyerno, bakit mayroon pa rin tayong mga kababayan na walang tahanan at walang matulugan?!

Bakit marami pa ring kabataan ang hindi nakapag-aaral?!

Ang daming maysakit na hindi nakakita ng ospital bago mapugto ang kanilang mga hininga.

Marami pa rin tayong mga kababayan na namumuhay sa kadiliman dahil wala pa rin  koryente sa kanilang lugar.

Marami pa ring baryo ang walang paaralan at ang kalsada ay hindi madaanan ng sasakyan.

Sabi n’yo nga, ‘di hamak na malayo ang kalagayan ngayon ng mga Pinoy kaysa noon.

Malayong-layo talaga Secretary Abad.

Noon mayroon pang iba’t ibang industriya sa bansa, ngayon ang kawan ng mga manggagawa sa bansa ay nasa service industry.

Ito na ang larawan, na tayo’y bansa ng mga alipin, sa sariling bansa man o sa labas ng bansa.

Secretary Abad, ‘yan ang mga katotohanan na hindi dapat isisi lang kay Marcos…

Kayo na ang nasa administrasyon ngayon. Kaya hindi na dapat isisi kung kani-kanino ang tunay na kalagayan ng bansa.

Hindi kayo inilagay diyan para maging BOY SISI.

Kung paninisi lang sa mga nakaraang admi-nistrasyon ang gagawin ninyo, palagay ng inyong lingkod ‘e dapat na ninyong ipasa ang bola ng pamamahala sa mga lider na buo ang loob para iahon sa pagkakalugmok ang ating bansa.

‘Yun lang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *