CONDOLENCE sa mga naulila ng miyembro ng Masculados na si Ozu Ong na nanlaban umano sa agaw-car sa Antipolo kaya binaril.
Naawa kami sa naulila niyang member ng Baywalk Bodies at Batchmates na si Camay Cojuangco na naging Vassy.
Dalawa pa naman ang anak nila. ‘Yung bunso ay halos three months pa lang. Tapos ‘yung panganay nila wala pang isang taon. Bukod dito, balitang may anak pang kambal si Ozu na nasa elementary.
Napakawalang puso ng pumatay sa kanya. Car lang naman need nila pero pati buhay kinuha nila. Sana ibinigay na lang ni Ozu ang naturang Toyota car.
Ang kanyang labi ay nakaburol sa Transfiguration of Christ Parish Church, Manuel L Quezon Ext., Antipolo City.
TALBOG – Roldan Castro