Monday , December 23 2024

‘TSONA’ ni VP Jojo Binay litanya ng ‘bitter’

TSONA BinayAYAW sana nating maubos ang respeto sa mamang namamarali na siya ang nagbigay ng ibang mukha sa Makati City — si VP Jejomar Binay.

Kaya lang, humuhulagpos siya sa tinatawag na gentleman’s parameter.

Noong una kasi, ayaw nating maniwala na papasok siya sa sistema ng tradisyonal na pamomolitika lalo na nang ideklara niyang tatakbo siya sa 2016 presidential election.

Inisip natin na marangal at bagong mukha ng pamomolitika ang ipakikita ni VP Binay nang ideklara niyang tatakbo siyang presidente.

Pero nagkamali tayo…

Nagdeklara si Binay na tatakbo siya at inakala niyang siya ang “the chosen one” o ieendorso ni PNoy.

Pero nang nagkamali siya at ang inendorso ni PNoy ay si BFF Mar Roxas, biglang rumepeke na ng upak si Binay laban sa daang matuwad ‘este matuwid. 

Hindi lang isang beses kundi paulit-ulit hanggang bitbitin niya ang mga upak na ito sa tinawag niyang True State of the Nation Address (TSONA) sa Cavite State University (CSU) sa Indang, Cavite na napuno umano dahil sa memo sa mga estudyante. 

Kasunod nito, bumaha na ang negatibong komentaryo sa kanya sa social media.

Labis na ikinainis ng netizens ang paggamit ni Binay sa mga namayapang SAF 44.

Hiniling na rin ng mga pamilya ng SAF 44 na huwag nang isali sa politika ang kaanak nilang nanahimik na.

Mismong si Palace spokesperson Secretary Edwin Lacierda ay hindi nakatiis, at sinabing ang binansagan ni Binay na manhid at palpak ay limang taon niyang pinalakpakan.

Kaya malinaw lang na kaya panay ang upak ni Binay sa administrasyon ay dahil hindi siya ang inendorso ni PNoy.

Bakit nga naman pinaabot pa niya nang limang taon bago niya nasilip na palpak pala ang gabinete na ilang taon din siyang kasama!?

Sourgraping ba!?

Kaya kahit ano pa ang sabihin ni Binay laban sa kanyang mga makatutunggali, iisa lang ang masasabi natin diyan…

Look who’s talking?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *