Wednesday , November 20 2024

Talamak na holdapan sa Puregold Sucat tinutulugan ng Parañaque PCP 3?! (Attention: Gen. Joel Pagdilao)

paranaque pcp3Matagal nang nakararating sa ating kaalaman ang talamak na operation ng mga miyembro ng salisi gang, bukas-kotse gang, at holdapan diyan sa Puregold Sucat malapit sa Multinational Village.

‘Yang area na ‘yan ay nasa harap mismo ng Parañaque Police Community Precinct (PCP) 3 na pinamumunuan ni C/Insp. Isagani Calacsan.

Hindi natin maintindihan kung bakit napakalakas ng loob ng mga kriminal para riyan pa gumawa ng kriminalidad sa harap ng Parañaque PCP 3.

Bakit nga ba, Major Alacsan ‘este’ Calacsan!?

Aba ‘e tahasang pang-iinsulto na ‘yan sa liderato mo bilang hepe ng PCP 3.

Mantakin ninyong harap-harapang nagsasagawa ng holdap, salisi at bukas-kotse?!

Kulang na lang ipagsigawan na “hoy mga pulis ng PCP 3, mga inutil kayo!”

Gaya na lang noong namataan natin na napakabilis na pangyayari isang alas-5:00 ng hapon nitong nakaraang linggo. Isang dalagita ang mabilis na naholdap. Ganoon lang, nakatakbo agad ang holdaper  habang tulala ‘yung dalagita.

Sonabagan!!!

Overstaying Parañaque police chief, S/Supt. Ariel Andrade, ganyan ba ang police visibility sa area mo!?

May pulis para panoorin lang ang tumatakbong holdaper?!

Aba ‘e hindi ganyan ang gusto ni PNP chief, DG Ricardo Marquez?

Aba ‘e baka d’yan magwakas ang karera mo sa Parañaque, Kernel Andrade?!

Pakipasyalan naman ‘yang PCP 3 ninyo Kernel Andrade Sir, at mukhang malakas lang yata sa pagpapahinga sa kanyang opisna si Major Calacsan na specially recommended ni Charlie ‘D Bagman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *