MAS vocal at masarap kausap si Dennis Trillo kaysa kayJennylyn Mercado ‘pag tungkol sa status ng relasyon nila ang pag-uusapan. Katwiran naman ni Jennylyn, mas okey na ‘yung lalaki ang nagsasalita.
“Kung ano man ang sinasabi ni Dennis… ‘wag kayong maniwala roon,” sabay halakhak niya.
“Hindi kasi ‘yun ang pinagtutuunan ko ng pansin. Kumbaga… masaya naman po. Wala namang dapat ikalungkot, eh lalo na’t masaya ‘yung takbo ng career namin,” sambit pa ni Jennylyn.
Ano ang reaksiyon niya na puwedeng sabihin ni Dennis na love is lovelier for the second time around?
“Ano ba? Wala.ha!ha!ha! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,” sey niya.
Naniniwala ba siya na mas lovelier sa pangalawang pagkakataon?
“Depende eh. Para sa akin kasi, hindi oo, eh. Parang nandoon ako sa gitna. Depende roon sa klase ng kung gaano katindi ‘yung pagmamahal.. kung ano ‘yung mga pinagdaanan niyo, kung willing ba kayong dalawa na ayusin.”
Kayo na ba?
“Hindi… Totoo. Ano ko siya barkada,” tumatawa niyang pahayag.
“Siguro, binubuo lang namin kung ano ‘yung mga dapat buuin. Pero wala akong oras na magbuo. Sa ngayon, ‘yun lang muna. Ayusin ko na lang sa susunod kung may time talaga,” deklara niya.
TALBOG – Roldan Castro