Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matt Dimen, pangarap makapareha si Kathryn

080115 matt dimen kathryn
MASAYA ang baguhang teenstar na si Matt Dimen, 17, 5’10″, dahil nabigyan siya ng pagkakataong maipakita ang galing sa pag-arte sa pamamagitan ng Makata na pinamahalaan ni Dave Cecilio.

Ang Makata ang unang exposure ni Matt kaya naman ganoon na lamang ang kanyang kasiyahan lalo pa’t makakasama niya agad ang mga kilala at magagaling na artistang tulad nina Sam Concepcion, Angelo Ilagan , Dianne Medina ,Claire Ruiz, Lance Raymundo, Rex Cortez, at Rosanna Roces. Ang Makata ay ipinrodyus ni Nelson Acuna.

Bagamat baguhan pa lamang s showbiz si Matt, makikitaan na siya ng potensiyal na puwedeng ihanay kina Daniel Padilla , Enrique Gil at iba pa.

Ayon kay Matt, si Kathryn Bernardo ang ultimate crush niya kaya kung mabibigyan siya ng chance ay gusto niyang makatrabaho ang dalaga.

Well, mukhang bagay naman sila ni Matt. Ano kaya ang sey ni Daniel?

Samantala, nag-aaral pa si Matt sa De La Salle-College of Saint Benilde at kumukuha ng kursong BSBA (Human Resource Management). Sa ngayon ay focus muna si Matt sa showbiz kasi bata pa lang daw siya ay pangarap na niyang mag-artista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …