Sunday , December 22 2024

4 arestado, 2 nakatakas sa drug raid sa Quezon

042015 arrest prison

NAGA CITY – Swak sa kulungan ang apat katao habang nakatakas ang dalawa pa sa anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Gomez, Lopez, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ronaldo Bartolome, Wilfredo Pallan, Arjon Plaganas, at Angelito Lopez, habang ang mga nakatakas ay nagngangalang Denver Bartolome at Aldrin Madera.

Napag-alaman, naglalaro ng baraha ang apat na naaresto nang sumugod ang mga pulis sa lugar habang nakita sa kuwarto ng bahay na nagsasagawa ng pot session ang nakatakas na mga salarin.

Nakipaghabulan ang dalawa sa mga pulis ngunit mabilis na nakalayo at tuluyang nakatakas habang hindi na nakapalag pa ang mga naglalaro ng baraha.

Nakuha sa apat na salarin ang siyam na sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu nang magsagawa ng body search. Habang nakuha sa kuwarto ng mga tumakas ang apat na plastic transparent sachet at mga paraphernalia.

Nakakulong na ang apat habang patuloy pang pinaghahanap ang dalawang tumakas.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at PD 1602 ang mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *