Friday , January 3 2025

Pan-Buhay: Diyos-diyosan

00 pan-buhay“Pagkaraan noon, si Moises ay bumalik mula sa bundok dala ang dalawang tapyas na batong kinasusulatan ng mg utos. Ang Diyos mismo ang gumawa ng dalawang tapyas na bato at nag-ukit ng mga utos na nakasulat doon. Nang sila’y malapit na sa kampo, nakita ni Moises ang guya at ang mga taong nagsasayawan. Dahil dito, nagalit siya. Ibinalibag niya sa paanan ng bundok ang mga tapyas na bato at ito’y nadurog. Kinuha niya ang guya at sinunog niya ito nang pino saka binuhos niya sa tubig at ipinainom sa mga Israelita.” Exodo 15-16; 19-20

Noong panahon ni Moises, sa kabila ng maraming himala at biyayang ibinigay ng Diyos sa kanila, nakuha pa ng mga Israelita na magtaksil sa Diyos sa pamamagitan ng pagsamba sa ginawa nilang gintong imahe ng isang guya. Sa panahon natin ngayon, masasabing marami sa atin ang tulad din ng mga Israelita noon. Kahit di natin pinapansin o namamalayan, mayroon din tayong mga diyos-diyosan sa ating buhay.

Isa sa mga nauunang dinidiyos ng tao ay ang pera o kayamanan. Walang masama sa pera dahil kailangan natin ito upang mamuhay nang maayos. Ngunit may paalala ang Salita nga Diyos sa 1 Timoteo 6:9-10: “Ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng mga masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan. Sapagkat ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.”

Ang isa pang pangkaraniwang dinidiyos ay ang kapangyarihan. Katulad din sa pag-ibig sa salapi, ang pag-ibig sa kapangyarihan ang nagtutulak sa tao na gumawa ng katiwalian, gumawa ng masama at mang-api ng kapwa. Pareho din ng pagkagumon sa alak, sugal, droga at iba pang bisyo. Ganito din ang nangyayari sa dumidiyos sa katanyagan. Nauuna ang sarili kaysa sa Panginoon.

Anumang tao o bagay na ating inuuna kaysa sa Diyos ay nagsisilbing diyos-diyosan para sa atin. Maaaring ito ay isang mahal sa buhay o taong iniidolo. Maaari din ito ay ating propesyon o trabaho. Maaari ito ay ang mga ari-arian natin o mga bagay na binibigyan natin ng sobrang pagpapahalaga at panahon tulad ng cell phone, computer, TV, telepono, pag-Facebook, Instagram o Twitter. Ang wika ng ating Panginoon ay unahin Siya at ang lahat ay mapapasaatin. Kapatid, isiping mabuti: may diyos-diyosan ba sa iyong buhay? Sa paggamit mo ng iyong panahon at yaman, Diyos ba ang nauuna?

(Ang PAN-BUHAY ay isang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng panulat tungkol sa ating buhay espirituwal at sa ating Panginoon na tinatawag din nating “Ang Tinapay (Pan) na Nagbibigay-Buhay”)

ni Divina Lumina

About Divina Lumina

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *