TOTOO ba na nag-attitude si Cristine Reyes sa event ng isang product na ini-endorse niya?
Feeling niya ay kasing-init pa rati ang career niya kahit may anak na siya.
Nag-inarte raw ito sa malaking event ng product na ‘yun. Gusto raw niya ay solo ang dressing room at ayaw umanong makasama sina Sunshine Cruz at Dianne Medina. Nagde-demand din siya na ilagay na lang siya sa ibang araw at hindi kasama ang dalawa.
How true na narindi rin ang management ng nasabing produkto kaya tsinugi siya sa event na ‘yun? Pinalitan na lang siya ng fresh, mas maganda, at beauty queen.
TALBOG – Roldan Castro