Monday , December 23 2024

Overacting na presidential security guard sa SONA ni PNoy

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG may pagkukulang sa protocol ang isang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na itinalaga sa Batasan Complex nitong nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Kung hindi tayo nagkakamali, itinatalaga ang mga PSG sa mga ganyang okasyon para mapangalagaan ang seguridad ng Pangulo.

Hindi para maging praning o maging overacting gaya ng naging kilos at aksiyon ni  Petty Officer 3rd Class RUDY RAMOS na itinaboy ang mga reporter kabilang na ang aming reporter na si Jethro Sinocruz.

Trabaho ng mga reporter na kunin ang reaction ng mga mambabatas kada SONA ng ating Pangulo.

Pero hindi umubra si PSG Ramos dahil pumalag ang aming reporter at sinundan pa ng ibang kagawad ng media sa House.

Nagtataka ang taga-media kung bakit ganoon na lang ang paghihigpit na ginagawa sa kanila gayong suot naman nila ang issued media ID para sa SONA.

Naging matindi tuloy ang pagtatalo hanggang iutos pa ni Ramos na ‘bantayan’ maigi ang aming reporter na parang ina-isolate sa nasabing okasyon.

Ang matindi pa kay Ramos, nag-utos at nagsalita na parang diyos-diyosan, bawal daw mag-interview sa mga Congressman.

Anak ka ng TUNGAW, PSG Ramos, seguridad ang trabaho mo hindi ang MAKIALAM o MAGDIKTA sa trabaho ng mga taga-MEDIA!

Anong personalidad mo PSG Ramos para pakialaman ang trabaho ng mga taga-media?!

At lalong wala kang karapatang i-single-out ang reporter ng HATAW o pagbawalang mag-interview ang mga reporter.

Mainaw na curtailing of press freedom ‘yan, PSG Ramos!

Mabuti na lamang at pumagitna ang staff ng Congress na si Mr. Roger De Mesa.

Kaya medyo nahimasmasan at natauhan yata si PSG Ramos.

Gusto lang natin linawin PSG Ramos, lumugar ka sa dapat mong lugaran!              

‘Wag kang OA, EPAL at PRANING sa mga ‘boss’ mo!

Korupsiyon ng iilan sa INC dapat tutukan ni Ka Eduardo Manalo

HIHIRAMIN natin ang sinabi ni PNoy: Maaaring hindi perpekto ang INC pero nagsisikap ang ilang mga nagmamalasakit na putulin ang korupsiyon at pang-aabuso ng iilan lalo na ‘yung sinasabing malalapit o nakalalapit sa punong minsitro.

Bilang isang mamamahayag, tayo ay nakaranas ng pangha-harass mula sa isang Ministro ng INC nang isulat natin na noong nakaraang eleksiyon ay ipinatawag ang ilang kandidatong konsehal (hindi na natin sasabihin kung saan siyudad).

Matapos sabihan na sila ang dadalhin ng INC ay nag-iwan sila ng ‘pakimkim.’

Aba ‘e nang lumabas ito sa ating kolum, pinagbantaan  pa tayo ng ilan sa malalapit sa Ministro at sinulsulan pa ang mga konsuhol ‘este konsehal na idemanda tayo ng libelo?!

‘ E ang sabi nga natin, bakit hindi ‘yung mga konsehal na nagbigay ng pakimkim ang idemanda niya dahil isa sa kanila ang nagkuwento sa inyong lingkod.

Bukod diyan sa personal na karanasan na ‘yan, hindi naman maikakaila na tuwing eleksiyon, majority ng mga kandidato ay lumalapit at nakikiusap sa mga opisyal ng INC, lokal man o nasyonal.

‘Yan ay dahil sa paniniwalang, kapag ‘dinala’ sila ng INC, sila ay mananalo.

At palagay natin ay ‘yan ang sinasamantala ng iilang tiwali sa INC.

‘Yung kapag may lumalapit sa kanila.

‘Yung hindi kunwari nanghihingi pero kapag  may nag-abot ‘e tatanggapin.

Kung hindi siya kikilos at lulutasin ang mga isyung gaya nito, mapapatunayan ang sinasabi ng marami na ‘HOSTAGE’ ng kanyang ‘cordon sanitaire’ si Ka Eddie Boy.

 Ano po sa palagay ninyo, mga kapatid?

Anong klaseng ‘ama’ si Mison sa kanyang tauhan!? (Pakibasa SoJ Leila de Lima)

May mga nakita tayong larawan sa social media ng mga empleyado na ini-exile o idinestino nitong si Immigration Comm. Siegred “valerie” Mison sa mga border crossing points ng Filipinas gaya ng Tibanban, Taganak, Balabac at Batuganding.

Makikita sa mga nasabing larawan ang totoong estado ng mga kaawaawang empleyadong itinapon n’ya roon.

Ang pagkakaroon ng hindi maayos na opisina, delikadong kapaligiran at marami pang hindi kaaya-ayang sistema, lahat nang ito ay masasabi nating beyond par sa standards na isinasaad sa rules and regulations ng Civil Service Commission.

Ang mga lugar na ‘yan ay walang pagamutan, tindahan, koryente, malinis na tubig, sapat na pagkain at tamang seguridad.

Walang pondo mula sa bureau para sa kanilang pagkain at board and lodging, supplies and operations.

Hindi makatulog sa gabi dahil takot sa mga lamok na may dalang sakit na Malaria.

Hindi lang isang parusa ang pagtatapon ni Miswa ‘este Mison sa mga sinasabing kumakalaban sa kanya. Ito ay masasabi rin na tila unti-unting pagpatay (mental, emotional and physical torture) sa mga empleyado ng Bureau nang walang kalaban-laban.

Halos lahat ng mga itinapon sa lugar na nabanggit ay hindi rin binigyan ng karapatan na tumanggap ng overtime pay!

Paano mapagkakasya ng isang pangkaraniwang pamilyadong empleyado ang kakarampot na basic pay sa isang lugar na dulo na ng Filipinas!?

Malinaw na praise ‘este press release lang ang mga sinasabi ni Mison na siya ay tumatayong ama para sa kanyang mga empleyado na itinuturing niyang mga anak!

What the fact!?

Paano kaya nasisikmura at nakokonsiyensa nitong si Comm. Fred Mison na habang siya ay nasa malamig na opisina ng Magallanes Drive sa Intramuros, kumakain ng masasarap at tumatanggap ng OT pay na P75,000 habang ipinangangalandakan niya sa mga empleyado na itinuturing niyang mga anak ay nakakaranas nang walang kapantay na hirap at pagdurusa?!

Dammit!!!

‘Yan ba ang sinasabi mong programa na BI cares? Do you really care, Commissioner Mison!?

O isang malaking kaplastikan ‘yan!?

Sanababits!!!

Bakit hindi mo dalhin doon ang iyong BI caravan kung talagang gusto mo ng tunay na serbisyo publiko para personal ninyong makita ang sitwasyon doon???

Or mas maganda siguro kung doon kayo mamasyal paminsan-minsan ng natitsismis na “love of your life” na si Ms. Valerie?

Tingnan lang natin kung mag-enjoy kayo nang husto!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *