Wednesday , November 20 2024

Anong klaseng ‘ama’ si Mison sa kanyang tauhan!? (Pakibasa SoJ Leila de Lima)

Mison BalabacMay mga nakita tayong larawan sa social media ng mga empleyado na ini-exile o idinestino nitong si Immigration Comm. Siegred “valerie” Mison sa mga border crossing points ng Filipinas gaya ng Tibanban, Taganak, Balabac at Batuganding.

Makikita sa mga nasabing larawan ang totoong estado ng mga kaawaawang empleyadong itinapon n’ya roon.

Ang pagkakaroon ng hindi maayos na opisina, delikadong kapaligiran at marami pang hindi kaaya-ayang sistema, lahat nang ito ay masasabi nating beyond par sa standards na isinasaad sa rules and regulations ng Civil Service Commission.

Ang mga lugar na ‘yan ay walang pagamutan, tindahan, koryente, malinis na tubig, sapat na pagkain at tamang seguridad.

Walang pondo mula sa bureau para sa kanilang pagkain at board and lodging, supplies and operations.

Hindi makatulog sa gabi dahil takot sa mga lamok na may dalang sakit na Malaria.

Hindi lang isang parusa ang pagtatapon ni Miswa ‘este Mison sa mga sinasabing kumakalaban sa kanya. Ito ay masasabi rin na tila unti-unting pagpatay (mental, emotional and physical torture) sa mga empleyado ng Bureau nang walang kalaban-laban.

Halos lahat ng mga itinapon sa lugar na nabanggit ay hindi rin binigyan ng karapatan na tumanggap ng overtime pay!

Paano mapagkakasya ng isang pangkaraniwang pamilyadong empleyado ang kakarampot na basic pay sa isang lugar na dulo na ng Filipinas!?

Malinaw na praise ‘este press release lang ang mga sinasabi ni Mison na siya ay tumatayong ama para sa kanyang mga empleyado na itinuturing niyang mga anak!

What the fact!?

Paano kaya nasisikmura at nakokonsiyensa nitong si Comm. Fred Mison na habang siya ay nasa malamig na opisina ng Magallanes Drive sa Intramuros, kumakain ng masasarap at tumatanggap ng OT pay na P75,000 habang ipinangangalandakan niya sa mga empleyado na itinuturing niyang mga anak ay nakakaranas nang walang kapantay na hirap at pagdurusa?!

Dammit!!!

‘Yan ba ang sinasabi mong programa na BI cares? Do you really care, Commissioner Mison!?

O isang malaking kaplastikan ‘yan!?

Sanababits!!!

Bakit hindi mo dalhin doon ang iyong BI caravan kung talagang gusto mo ng tunay na serbisyo publiko para personal ninyong makita ang sitwasyon doon???

Or mas maganda siguro kung doon kayo mamasyal paminsan-minsan ng natitsismis na “love of your life” na si Ms. Valerie?

Tingnan lang natin kung mag-enjoy kayo nang husto!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *