Wednesday , November 20 2024

Segurista ba talaga ang Gatchalians?

GatchaliansIBANG klase talaga ang pamilya Gatchalian.

Mula sa negosyong plastic ay nakalipat ang buong angkan nila sa ‘negosyong politika’ ‘este sa pamumuno sa mga taga-Valenzuela city…

Nakaligtas sa eskandalo ng politika sa kabila na kilalang alyado ni ousted and convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.

Mula sa pagiging bagito ay kinilalang stalwart ng Nationalist People’s Coalition (NPC) dahil sa katas ng yaman mula sa plastic… hik hik hik…

Mula sa pagiging number one air pollutant ng kanilang produktong plastic sa Valenzuela, nagawa nilang maging ‘bayani’ sa paningin ng constituents dahil sa ipinagawang mga impraestruktura at kalsada na animo’y galing sa bulsa nila ang ipinangpagawa.

Of course, lahat ng politiko ay ganyan, nagpapagawa ng iba’t ibang gusali at impraestruktura mula sa pera ng sambayanan pero kung makaasta ay tila galing sa kanilang sariling bulsa.

Nakita na natin ang bagsik ng pagiging linta ng mga Gatchalian.

Nitong mga nakaraang buwan bago makasuhan ang mag-amang VP Jejomar Binay at Mayor Junjun Binay, kahit na ang mga Gatchalian ay kilalang stalwart ng NPC na mahigpit na kaalyado ngayon ng Liberal party sa Kongreso, ay panay ang salita nila pabor sa mga pinagbibintangang ‘plunderer’ ng Makati City.

Pero nitong naging matunog at maingay ang tila planong pagiging running mates nina senators Grace Poe at Francis “Chiz” Escudero, nagsalita ang NPC national spokesperson na si Rex Gatchalian, nanatili raw ang personal na relasyon at pagkakaibigan nila sa lalaking senador.

How sweet naman!

‘Yan ‘e kahit, tumiwalag sa kanila si Chiz nang hindi nakakuha ng basbas para tumakbong presidente?! 

Kung hindi pa sana alam ng sambayanan na planong tumakbong senador ni Sherwin ‘e baka paniwalaan pa natin ang statement na ‘yan.

S’yempre,  malaking bagay kung maraming kaibigan na senador at ilang beses nang nagtagumpay sa eleksiyon ang magiging kadikit ng isang nangangarap na maging senador.

Kaya naman kaduda-duda kung ano ang tunay na motibo sa pagpapahayag nang ganito ni Rex.

Nang tila bumantot ang popularismo ni Binay ‘e bigla nilang nasipat ang oportunidad na mas pabor kung sa mabangong popularidad ni Sen. Grace sila makadidikit.

Talaga namang pinabibilib ninyo kami nang husto Gatchalian clan!

Puwede na kayong tanghaling ‘KING OF TWISTS.’            

Ngayon komo mas marami ang natutuwa kay Sen. Grace, ‘e parang sa kanya n’yo naman gustong dumikit?!

Hunyangong-hunyango lang ang peg, ha!?

Kayo na talaga, mga Gatchalian!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *