Wednesday , November 20 2024

May kumita ba sa hulihan blues ng mga illegal chinese worker!?

illegal chinese workersWe would like to commend the Intelligence Division of Immigration for their operation last week sa isang call center diyan sa isang building or condominium malapit sa Resorts World.

Sa nasabing operation 191 improperly documented foreigners daw ang na-aprehend.

Pero may ilang abogado ng mga nahuling foreigners ang hindi yata sang-ayon sa nakita nilang mission order na ini-issue ni BI Comm. Fred ‘good guy’ Mison.

Nakasaad daw sa naturang MO na “All Foreign Nationals” on 6th and 7th floor of the building.

Mukhang kuwestiyonable raw ang pag-iisyu ng ganitong klaseng M.O.  Masyado raw generalize ang ganitong klaseng order at tila bawal daw ang ganito sa batas.

May narinig din tayo na lutang na lutang daw ang ‘karakas’ ng isang retiradong Kernel Supas ‘este Tupas na isa palang dakilang CA as in confidential agent sa nasabing operation kasama pa ang kanyang mga dyulalays ‘este alalay na pawang mga nanghuhuli o dumadampot sa operation, kahit wala pang valid contracts?!

Sa madaling salita, illegal o hao hsiao pa na matatawag ang kanilang personalidad?

What the fact!?

With the blessing ba ni Miso ‘este’ Mison ang pagpasok sa eksena ng mga tao ni Kernel Tupas kahit wala pa silang legal personality?

Habang tumatagal unti-unting lumalabas ang sinasabing madalas na abuse of discretion or authority?

Anyway, ito na ang twist ng istorya, matapos daw hakutin sa BI main office ang sandamakmak na Chinese workers ay may ilan na biglang naglahong parang bula sa building?

Biglang may mga unaccounted na tsekwa?!

What the fact!?

If the price is right ba ‘yan mga bossing?

May kumitakits ba sa mga ‘now you see, now you don’t’ na Chinese worker?

Paki-explain nga po, Atty. Norman ‘libanan’ Tancinco!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *