Wednesday , November 20 2024

Bacolod the Real City of Smile

bacolodKung hindi tayo nagkakamali, ginamit din ng Quezon City ang slogang ito para patampukin ang kanilang siyudad.

Pero hindi sila nagtagumpay.

Tanging ang Bacolod city ang nakapagmarka at nakapagpatunay sa slogan na ito dahil alam nila kung ano ang magiging itsura ng lungsod para patunayan na sila ay “The Real City of Smile.”

Narito po tayo nitong nakaraang weekend.

At talagang kapuri-puri ang kalinisan ng lungsod. Mula sa Airport hanggang sa lungsod, maganda ang kalsadang sementado at wala tayong nakita ni kapiranggot na basura.

Walang ipinag-iba sa Davao City.

Mura ang bilihin lalo na ang pagkain. ‘Yun bang tipong hindi iiyak ang turista, dahil hindi kailangan gumastos para ma-enjoy ang bakasyon.

Pero sa pakikipaghuntahan po natin sa ilang residente, mayroon lang silang concern na nais ipaabot sa mga opisyal ng ating pamahalaan.

Naubos na kasi ang mga SAKADA nila o ‘yung mga matatandang mananabas ng tubo, dahil sa liit ng kita. Mantakin ninyong hanggang ngayon ay P200 kada araw lang ang suweldo sa kanila?!

Ang mga naiiwan ngayong sakada ay halos matatanda na.

Ang kanilang mga anak ay ayaw nang maging sakada. Karamihan sa kanila ay nagluwasan na sa Maynila at mas piniling maging factory worker, construction laborer, saleslady, waiter sa mga carinderia o ‘yung mga pinalad ay nagsipag-abroad para maging overseas Filipino workers (OFWs).

Ang katuwiran naman ng mga azucarera, hindi nila kayang magtaas ng suweldo dahil sisirit daw ang presyo ng asukal?!

‘Yan po ang hinaing mga sakada natin sa Bacolod.

Ang ating mga sakada ay ilan sa mga sector na hindi man lang naaalala sa SONA ng kahit na sinong pangulo sa bansa.

Sino kayang magiging pangulo ng bansa ang magtutuon ng pansin sa kalagayan ng mga sakada?!

Pakisagot nga Sec. Sonny Coloma!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *