Sunday , December 22 2024

Isa pang ministro sa Amerika nagbitiw

BUNSOD na hindi kinaya ang epekto ng sigalot sa loob ng pamunuan ng simbahan, isa pang ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nagbitiw sa puwesto sa Estados Unidos.

Sa video na na-upload sa YouTube kahapon ng umaga, si INC minister Louie Cayabyab ng Fremont, California, ay nagbitiw habang kaharap ang kanyang kongregasyon kasabay ng ika-101 anibersaryo ng INC, sa pagsasabing hindi niya matanggap ang pagtiwalag na ginawa ng simbahan sa pamilya Manalo.

“The first circular is about the expulsion, from the Church, of the wife and children of Bro. Eraño G. Manalo. And another circular is the expulsion, from the Church of Bro. Isaias T. Samson Jr., the editor-in-chief — former editor-in-chief of The Pasugo. I decided, brethren, that I won’t read those circulars. You might be asking, “why?” Because in my heart, in my heart of hearts, I can’t take it. It is, it is just so difficult to betray one’s heart,” ayon kay Cayabyab.

Magugunitang itiniwalag ng INC sina Cristina “Tenny” Villanueva Manalo at anak na si Felix Nathaniel “Angel” Villanueva Manalo, ang dalawa ay ina at kapatid ng kasalukuyang executive minister na si Eduardo V. Manalo.

Dahil daw ito sa pagpasimuno ng pagkahati-hati ng simbahan sa kanilang inilabas na video sa media na sinasabing may katiwalian na nangyayari sa loob ng INC at humihingi ng tulong dahil nanganganib ang kanilang buhay.

Alam daw ni Cayabyab kung ano ang magiging konsekuwensiya sa kanyang pagbaba sa pwesto kahit pa humantong sa pagtiwalag sa kanya.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *