Wednesday , November 20 2024

Huling SONA huling bola sa binusabos na mga boss!?

SONA 2015ILANG palakpak, ilang standing ovation… ‘yan ba ang bibilangin ngayon?!

Gaano kagara, gaano kamahal, gaano ka-dated-fashion ang suot na naman ng mga mambabatas at kanilang mga kabiyak?!

Para ring may car show sa mga magagarang sasakyan ng mga mambubutas ‘este mambabatas?

May pangako bang natupad o tuluyang napako sa limot ang pag-asa ng mga ‘boss’ na pinangakuan?!

Oo nga naman, pinangakuan na, tutuparin pa ba?!

‘Yan ba ang magiging pang-ulong balita sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III?!

Higit sa lahat, ihahayag ba ngayon ni PNoy ang kanyang THE ANOINTED ONE?!

Ang sagot: S’yempre lahat nang ‘yan ay ating aabangan.

Pero ano nga ba ang saysay ng numero kung mas lamang ito para sa mga Pinoy na walang trabaho, kabataang hindi makapag-aral at lulong sa shabu, kababaihang rumarampa para sa panandaliang aliw.

Sandamakmak pa rin ang natutulog sa mga kalsada, bangketa at sa mga patio ng simbahan at national parks.

Tuluyang pagkabulok ng ipinangakong state-of-the-art mass transportation… pero mahihiya ang mga sinehan sa haba ng pila sa MRT at LRT ng masang nagtitiyaga sa murang pasahe at mabilis sanang paraan ng pagpunta sa kanilang trabaho o eskwela.

Hindi pa kasama riyan ‘yung bigla na lang titigil sa alanganing lugar ang bagon ng MRT o kaya naman ay dinaig pa ang ‘hinulugang taktak’ sa Antipolo sa lakas ng tulo sa bubungan habang umaandar ang electronic train (MRT or LRT).

Ang  patuloy na pamamayagpag ng mga ilegal na sugal.

Ang hindi malinis-linis na katiwalian sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at pang-aabuso ng ilang political appointee.

Huwag na po tayong lumayo.

Sa Bureau of Immigration lang, sandamakmak ang iregularidad, eskandalo at kaimoralan pero walang balak mag-resign ang political appointee.

Tsk tsk tsk.

Nariyan din ang K-12 program ng Department of Education (DepEd), na hindi talaga maintindihan kung paanong papabor sa ating mga kabataan lalo na sa mga anak ng dukha.

Maging ang serbisyong pangkalusugan ng Department of Health at ang national insurance system na PhilHealth, naglilingkod pa ba sila sa maliliit na kababayan o patuloy lang silang lumalarga para huwag mawalan ng trabaho  ang sandamakmakna  empleyado  at opisyal na pinasusuweldo ng taong bayan?!

May nagawa ba talaga si PNoy sa kanyang ‘MGA BOSS?’

Hala, iulat mo nga sa SONA!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *