Wednesday , November 20 2024

Krisis sa pamunuan ng INC dapat resolbahin agad

manalosNALUNGKOT tayo nang pumutok ang istorya tungkol sa pagkakatiwalag sa Iglesia ni Cristo (INC) ng ina ni Ka Eddie Boy Manalo na si Ka Tenny, sa kapatid niyang sina Ka Angel, Ka Arman, Ka Carlo, Ka Lolly at iba pang opisyal ng sekta.

Lumutang na rin ang Ministro na si Isaias Samson para patunayan ang sinasabi ng mag-inang Ka Tenny at Ka Angel na mayroong panggigipit sa hanay ng mga nagsisiwalat ng katiwalian sa loob ng Iglesia.

Sinisi rin ni Ka Angel ang mga tinawag niyang madidikit na tagapayo ni Ka Eddie Boy.

Sila raw ang mga nagdikta para magpatayo ng isang tila “white elephant” na Philippine Arena ang INC imbes malalaking Kapilya para sa kanilang kasapian.

Nanawagan na rin si Ka Angel, na samahan silang mag-vigil ng mga miyembro na kinokondena ang katiwalian sa loob ng INC.

Ganoon pa man, mabilis na naglinaw ang Punong Evangelista ng INC na si Ka Bienvenido Santiago na walang katotohanan ang sinasabing abduction sa  mga Ministro.

Ganoon din ang paliwanag ni Edwil Zabala ang tagapagsalita ng INC.

Anyway, kahit hindi po tayo miyembro ng INC marami po tayong mga kaibigan mula sa nasabing sekta, kaya nalulungkot tayo sa nangyayari sa kanila ngayon.

Sila ang mga kaibigang nakitaan natin ng mahigpit na disiplina sa pagpapalaki ng mga anak.      

Sila na namumuhay nang simple lang at gumagawa nang ayon sa turo sa kanila ng INC. 

Nanalangin at umaasa tayo na mareresolba nang maayos ang krisis na ito sa INC.

Pero sabi ng maraming miyembro na nakakausap natin, nanghihina-yang sila kung magkakaroon ng lamat ang kanilang Simbahan dahil lamang sa isyu ng PERA.

Sabi nga, the love of money is the root of all evils.

Matindi na rin daw ang pangangailangan na mai-LIFESTYLE CHECK ang ibang ministro at tauhan nila sa loob ng INC.

Sino kaya ang magsasagawa ng nasabing lifestyle check na ‘yan?!

Higit sa lahat, bakit hindi natin naririnig an nagsasalita si Punong Ministro Eduardo “Eddie Boy” Manalo?!

Kailangan na niyang magsalita para sa ikapapayapa ng buong INC.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *