Villar: NP-NPC walang alyansa para kay Chiz
hataw tabloid
July 24, 2015
News
IKINAGULAT kahapon ni Senadora Cynthia Villar ang lumabas na balitang may nabuo nang alyansa sa kanyang partidong Nacionalista at Nationalist People’s Coalition para suportahan ang sinasabing pagtakbo nina Senadora Grace Poe at Senador Chiz Escudero sa 2016.
Lumutang ang balita sa isang press conference ni Rep. Giorgidi Aggabao na sinabing buo na ang alyansa ng NP at NPC.
“I do not know what is the basis of Nationalist People’s Coalition President Giorgidi Aggabao for claiming that NPC and the Nacionalista Party are forming an alliance to support the candidacy of Sen. Grace Poe as president and Sen. Francis Escudero as vice president,” bungad ni Villar sa isang statement na inilabas ng kanyang opisina.
Inamin ni Villar na pati ang kanyang asawa na si NP President at dating Senador Manny Villar ay nagulat sa naging balita.
“NP is in the middle of consultation within its ranks, and we have set a September deadline before we can officially announce our participation in the May 2016 polls,” sabi ng senadora.
Mukhang ikinainis ni Senadora Villar ang pakikialam ni Aggabao sa NP.
Idiniin ni Villar na wala pang plano ang Nacionalista. “To reiterate, we have to first determine the plans of our own members before we can express support for non-members,” ani Villar.
Parehong hindi miyembro ng NP sina Poe at Escudero.
Pati mga miyembro ng NPC ay nagulat sa deklarasyon ni Aggabao.
Ayon sa isang kongresista, walang basbas ng partido ang mga statement ni Aggabao.
“NPC has not made any decisions about 2016. Especially about Chiz. Hindi pa namin nakakalimutan ang ginawa niya noong 2009,” aniya.
Noong 2009, kumalas si Escudero sa NPC dahil hindi pumayag ang partidong suportahan ang ambisyon niyang kumandidatong pangulo.
Kinompirma ito ng isa pang source na nagulat din sa mga lumabas sa press conference ni Aggabao.
“Boss Danding (Cojuangco) has not authorized anyone to speak for the party. We still belong to the administration coalition kaya nakagugulat ‘yung sinabi ni Gigi. It is not the stand of the party,” aniya.