Wednesday , November 20 2024

Payroll sa Makati City gagawin nang ATM (I-push mo ‘yan OIC Mayor Kid Peña)

makati binay kid“KUNG walang empleyadong multo tiyak na mababawasan ang abuso.”

‘Yan ang mariing sinabi ni Makati City OIC Mayor Romulo “Kid” Peña kaugnay ng kanyang plano na gawing fully-automated ang payroll sa Makati City.

Para umano ma-reevaluate ang umiiral na patakaran sa pagpapasuweldo ng mga empleyado, plano ni OIC Mayor Peña na idaan sa ATM ang suweldo ng mga empleyado. Target niya ito bago matapos ang 2015.

Sabi naman ng bagong Public Information Office (PIO) head na si Gilbert Delos Reyes, “ATM payroll system can be utilized to exorcise the bureaucracy of ghost employees and protect the city’s coffers from future abuse.”

‘Yun na!

Isang paraan ‘yan para tuluyang walisin ang sandamakmak na “ghost employees” sa bawat tanggapan ng mga Konsehal.

‘Yun bang sandamakmak na pangalan sa payroll pero hindi naman nakikitang pumapasok at nagtatrabaho.

Nakatatakot ang sistemang ‘yan!

Saan kaya nila pinagkukuha ang mga pangalan na ‘yan para ilagay sa kanilang payroll?!

Kung tuluyang maimomodernisa ni OIC Mayor ang payroll sa Makati sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, mababantayan at mapangangalagaan ang resources ng lungsod at magwawakas umano sa ‘envelopmental employment’ o ‘yung tinatawag na ghost employees.

Bukod d’yan, tingin natin ay dapat din kumilos ang Ombudsman at resolbahin ang kagayang kaso sa Maynila.

Kung masasampahan kasi ng kaso ang mga elected officials sa bawat local government units (LGUs) na nag-aalaga ng mga ‘multong’ empleyado, magiging deterrent ‘yan para matigil ang ‘kalakarang’ ‘yan.

Aminin man sa hindi ng iba’t ibang LGUs, malamang sa hindi ay mayroong mga gumagawa nang ganyan.

Kung si OIC Mayor Kid Peña ang kauna-unahang LGU official na makagagawa niyan, aba, landmark decision ‘yan.

I-push mo ‘yan, Mayor Kid!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *