Monday , December 23 2024

Payroll sa Makati City gagawin nang ATM (I-push mo ‘yan OIC Mayor Kid Peña)

00 Bulabugin jerry yap jsy“KUNG walang empleyadong multo tiyak na mababawasan ang abuso.”

‘Yan ang mariing sinabi ni Makati City OIC Mayor Romulo “Kid” Peña kaugnay ng kanyang plano na gawing fully-automated ang payroll sa Makati City.

Para umano ma-reevaluate ang umiiral na patakaran sa pagpapasuweldo ng mga empleyado, plano ni OIC Mayor Peña na idaan sa ATM ang suweldo ng mga empleyado. Target niya ito bago matapos ang 2015.

Sabi naman ng bagong Public Information Office (PIO) head na si Gilbert Delos Reyes, “ATM payroll system can be utilized to exorcise the bureaucracy of ghost employees and protect the city’s coffers from future abuse.”

‘Yun na!

Isang paraan ‘yan para tuluyang walisin ang sandamakmak na “ghost employees” sa bawat tanggapan ng mga Konsehal.

‘Yun bang sandamakmak na pangalan sa payroll pero hindi naman nakikitang pumapasok at nagtatrabaho.

Nakatatakot ang sistemang ‘yan!

Saan kaya nila pinagkukuha ang mga pangalan na ‘yan para ilagay sa kanilang payroll?!

Kung tuluyang maimomodernisa ni OIC Mayor ang payroll sa Makati sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, mababantayan at mapangangalagaan ang resources ng lungsod at magwawakas umano sa ‘envelopmental employment’ o ‘yung tinatawag na ghost employees.

Bukod d’yan, tingin natin ay dapat din kumilos ang Ombudsman at resolbahin ang kagayang kaso sa Maynila.

Kung masasampahan kasi ng kaso ang mga elected officials sa bawat local government units (LGUs) na nag-aalaga ng mga ‘multong’ empleyado, magiging deterrent ‘yan para matigil ang ‘kalakarang’ ‘yan.

Aminin man sa hindi ng iba’t ibang LGUs, malamang sa hindi ay mayroong mga gumagawa nang ganyan.

Kung si OIC Mayor Kid Peña ang kauna-unahang LGU official na makagagawa niyan, aba, landmark decision ‘yan.

I-push mo ‘yan, Mayor Kid!

Untouchable MPD ‘Kotong’ Tandem (Attn: CPNP DG Ricardo Marquez)

SA PAGKAKAINTINDI ng mga Manilenyo sa mga praise ‘este press release ni Yorme Erap ‘e galit siya at sisibakin ang mga kotong cops lalo ‘yung mga nagpapahirap sa pobreng vendors at tongpats sa mga ilegalista.

Pero mukhang bigo ang mga maralitang taga-lungsod dahil patuloy pa rin ang pama-mayagpag ng kotong cops at bagman ng ilang unit sa MPD at city hall.

Gaya ng notoryus na kotong-tandem nina alyas “TATA MANLAPASTANGAN” at “SARHENTONG KRIS OPMACO” at isang EARWIN-WIN na namamayagpag ngayon sa MPD HQ.

Binansagan ng MPD personnel na “delihensiya unit” ang nasabing tropa na ipinangongolektong ng dalawang kamote.

Magkaiba ang forte ng kotong-tandem. Isa sa mga ilegal na sugal sa Maynila at ‘yung isang kamote, sa pobreng vendors, illegal terminal at KTV club.

FYI Yorme Erap, hindi raw bababa sa P500K ang koleksyon ng ‘delihensiya unit.’ Ilang opisina riyan sa city hall ay ipinangongolekta rin ng mga kakaibang ‘hayop’ na ‘yan Sir!

Ang handler o amo raw ng dalawang kumag ay isang Kupitan-Kapitan na mahilig magpanggap na good cop diyan sa MPD HQ.

Ipinagyayabang pa ni Kupitan na bata-batuta raw siya ng isang mataas na opisyal diyan sa Manila city hall.

Tama ba bossing June Bayag?

No wonder, na nagkakahetot-hetot  ngayon diyan sa MPD dahil sa mga tiwaling pulis, sabi ng isang MPD junior officer.

MPD DD Gen. Rolly Nana, marami sa mga station commander ang asar na asar diyan sa ‘delihensiya unit’ dahil pati nasasakupan nila ay sinasapawan at pinalalatagan ng ilegal na sugal!?

Sila nga naman ang puputukan sakaling sumabog sa AOR nila ang katarantaduhan ng delihensiya unit!

C/PNP Dir. Gen. Ricardo Marquez, pwede ho bang unahin n’yo ang kotong-tandem at amo nilang si Kupitan sa kampanya n’yo laban sa police scalawags?

Hatawin n’yo agad, Sir!!!

MIAA official ‘di ganado sa kasalukuyang post kaya tatakbong Mayor?

MUKHANG ‘di raw ganado sa kaniyang newly acquired post ang isang official ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Para kasing sa pakiramdam niya ay ‘nasaid’ na ang banga na pinagkukuhaan ng ‘pangkabuhayan’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung kaya’t pa-bondying-bondying na lamang ang nabanggit na opisyal and taking his duties and responsibilities at the airport lightly.

Kaya naman bilang bahagi ng paghahanda ay nagsusubi na raw ang nasabing opisyal ng kaniyang ‘pabaon’ para ‘ika nga pagtakbo niya sa nalalapit na 2016 election bilang Mayor sa isang bayan sa Visaya.

Ganon!?

Umaasa rin si MIAA official na kukunin siya ng Partido Liberal.

Sa totoo lang, desmayado na raw ang naturang opisyal dahil ang pakiramdam niya ay ‘balagoong’ lagi ang papel na ginagampanan sa airport.

Ang feedback nga, mas matino pa umanong kausap ang kakandidatong airport official kaysa kaniyang bossing!?

He he he!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *