Sunday , December 22 2024

Oposisyon sa SONA no big deal — Palasyo

HINDI big deal sa Palasyo ang pagdalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ng mga kilalang oposisyon, partikular ni Vice President Jejomar binay na ngayon ay kritiko ng administrasyon.

“Ayon din ‘yan sa karapatan at katungkulan ng mga pangunahing opisyal ng ating bansa na dumalo sa kaganapang ito,” ani Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Patuloy umano ang ginagawang paghahanda ni Pangulong Aquino sa kanyang magiging huling SONA at sa nakalipas na mga araw ay puspusan ang pakikipagpulong sa ilang miyembro ng gabinete at sa kanyang mga speechwriter.

Ayon kay Coloma, dahil ito na ang huling SONA ng pangulo, ang kabuuan ng anim na taon ng administrasyon ang magiging laman ng pag-uulat ng Pangulo.

“Ang nais po ng pangulo, katulad ng mga nakaraang taon ay maiulat sa kanyang mga boss ang mahahalagang naisagawa ng kanyang administrasyon, bilang pagtupad sa mga ipinangako at bilang pagsunod sa mga prayoridad na itinakda, siyempre dahil ito na ang pinakahuli,  nais niyang maunawaan ng ating mga kababayan ang buod ng kanyang ginawa sa loob ng anim na taon,” ani Coloma.

Kaugnay nito, ipinagtanggol ng Palasyo ang dalawang milyong pisong budget na inilaan ng Kongreso para sa SONA dahil naaayon ito sa batas.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *