Sunday , December 22 2024

‘Isda’ nagwelga sa mesa (Sa fishing ban ng Malacañang)

LUMAHOK sa tinawag na “fish holiday” ang mga mangingisda at manggagawa sa Navotas Fish Port  bilang protesta sa nalalapit na pagpapatupad ng fishing ban sa Manila Bay sa nalalapit na Setyembre, sa taong ito.

Ayon sa mga mangingisda, manininda at maliliit na manggagawa sa Market 3, 4, & 5, “Ang balakin ng gobyernong ito ay hindi makatao sapagkat libo-libong mamamayan na naghahanapbuhay sa Manila Bay bilang mangingisda ang mawawalan ng hanapbuhay.”

Anila, ang paghihigpit sa pangingisda sa Municipal waters ay hindi isolated sa Manila Bay, kapag na-implement ito sa Setyembre (2015) sa buong bansa, magdudulot ng kagutuman sa buong mamamayan at sa mga mangigisda.

“Masyadong mapaniil ang pag-iral ng Republic Act 10654 resulta ng sobra-sobrang penalties at taxes plus imprisonment pa sa mga taong-banka at may-ari. Ito po ay papatay sa local fishing industry at kapag kakaunti na ang isda, pahihintulutan na ng BFAR ang malawakang import ng isda mula China na hinuli sa West Philippine Sea at binili ng ilang negosyo na may koneksyon sa BFAR,” diin pa ng mga nagprotesta.

Ang R.A.10654, Fisheries Code of the Philippines ay tila umano naka-pattern sa Fisheries laws ng western countries na malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga mangingisda dahil suportado sila ng kanilang pamahalaan sa pamamagitan ng social benefits lalo na sa Europe.

Sa Filipinas, walang social benefits ang mga mangingisda, bawal mangisda sa West Philippine Sea sabi ng mga Chinese,  at  malapit na rin ipagbawal ang pangi-ngisda sa Manila Bay.

Anila, pamansing o pangawil lamang ang gagamiting uri ng panghuli ng isda, bawal ang mga bangkang gumagamit ng makinang panghuli (active gear) ng mga isda na hindi naman umano makabubuhay ng pamilyang umaasa sa industriya.

Kaakibat ng nasabing batas na papatay sa fishing industry sa buong Filipinas ang mataas na penalty sa violation ng permits at lisensiya ng fishing boats na aabot sa daang libo hanggang P5 milyon  at P20 milyon  na mariing kinokondena kasunod ng pagtanggi na sinisira nila ang kalikasan.

Inilunsad kahapon ang isang malakihang martsa/protesta ng mga grupo ng mangingisda mula Bataan, Navotas, Manila, Parañaque at Las Piñas patungong Malacañang) na tinawag nilang fish holiday.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *