Sunday , December 22 2024

Ginang nabaril ng pulis sa mall

NAHAHARAP sa reklamo ang isang pulis makaraan aksidenteng tamaan ng bala ang isang ginang habang sila ay nasa isang mall sa Malolos City, Bulacan kamakalawa.

Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Noime Llyod, 42, residente ng Bambang, Bulakan, Bulacan, habang ang suspek ay kinilalang si Insp. Mark Henry Gonzales, 25, residente ng Iba, Hagonoy, at nakatalaga sa RPSB PRO ARMM.

Ayon kay Supt. Arwin Tadeo, hepe ng Malolos PNP, isinuko ni Gonzales ang kanyang service firearm na Glock 17, may serial number PNP 11233, sa guwardiya ng Graceland Mall dahil siya ay mamimili.

Paglabas ng pulis sa supermarket ay kinuha niya ang kanyang baril na sinasabing naka-open vault at ipinasok ang magazine na may lamang bala nang bigla itong mag-close vault at pumutok.

Tumama ang bala sa sahig ng mall at tumalsik ang fragmented bullet sa kaliwang braso, kanang kamay at tiyan ng biktima.

Agad isinugod ng pulis ang biktima sa Bulacan Medical Center at saka sumuko sa himpilan ng Malolos PNP.

Ang pulis ay posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury at administratibo sa Philippine National Police dahil sa kapabayaan sa paghawak ng baril.

Micka Bautista

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *