Sunday , December 22 2024

5 miyembro ng sindikato ng pekeng pera arestado

PINAG-IINGAT ng mga awtoridad ang publiko sa kumakalat na pekeng P1,000 bill makaraan maaresto ang lima katao sa entrapment operation ng mga tauhan ng Manila Criminal Investigation and Detection Team sa Recto, Maynila kamakalawa.

Nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang mga suspek na sina Richard Ansos, 31; Ramonsito Joseph, 43; Rodolfo Paerat, 48; Adelaida Castillo, 36; pawang mga residente ng 1697 LRC Compound, C.M. Recto Ave., Sta. Cruz, Maynila; gayondin siAnalyn Reyes, 37, nakatira sa 02 Yellow Bell, Happy Land, Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ni Chief Inspector Ariel Macanlalay, isinagawa angentrapment operation dakong 4:40 p.m. sa bahay ng mga suspek at nakabili ang nagsilbing asset ng pulisya ng 15 piraso ng P1,000 bill sa halagang P200 bawat isa.

Narekober mula sa mga suspek ang 10 piraso ng pekeng P1,000na may serial number na QQ886522, TT086529, ZQ856529, at dinala sa tanggapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang suriin. 

Nakompiska rin sa mga suspek ang makina at iba’t ibang paraphernalia sa paggawa ng pekeng pera.

Naniniwala nga impormante na laganap ang paggawa ng pekeng pera dahil nalalapit na naman ang eleksiyon

“Posibleng marami na silang naipakalat na pekeng pera dahil marami silang mga parokyano na bumibili sa kanila,” pahayag ni Macanlaylay.”

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *