Friday , November 15 2024

P1-B inilaan sa rehab ng Angat Dam Para maging quake proof (Para maging quake proof)

ISANG bilyong piso ang inilaan ng administrasyong Aquino para sa rehabilitasyon ng Angat Dam para maging earthquake-proof ito.

Sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III, umaasa siyang makakayanan nang mas pinatibay na Angat dam ang posibleng epekto nang malakas na lindol sakaling gumalaw ang pinangangambahang West Valley Fault.

Sa kanyang talumpati kahapon makaraan ang inspeksiyon at project briefing sa isasagawang rehabilitasyon ng dam sa Norzagaray, Bulacan, iginiit ng Pangulo na mahalagang maging matatag ang pasilidad para maiwasan ang malawakang pinsala.

Simula noong 1967 ay hindi pa nakatitikim ng rehabilitasyon ang water dam at ngayon lamang isasailalim sa malawakang pagkukumpuni. Tatagal ng hanggang 2017 ang rehabilitation project na popondohan ng P1.08 billion o 414 million dollars mula sa mga pribadong kompanya.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *