Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagpapakilalang bagman ni NCRPO OIC C/Supt. Allen Bantolo nagpipiyesta na sa kolek-tong

00 Bulabugin jerry yap jsy

KARERETIRO pa lamang ni C/Supt. Carmelo Valmoria bilang NCRPO chief ‘e parang mga ‘asong ulol’ na nagsipagwala na ang mga nagpapakilalang ‘BAGMAN’ raw sila ni officer-in-charge C/Supt. Allen Bantolo.

Ang pagpipiyesta nga raw ng mga nagpapakilalang ‘BAGMAN’ ay parang itsura ng “WHO let the DOGS out!”

Talaga namang, parang naghulog daw ng bomba sa Pearl  Harbor kung umikot ang mga nagmamagaling na bagman na gaya ng isang Kernel Senense.

Pinaiikot umano ni Kernel Senense ang kanyang mga kolek-TONG na sina alyas Wally Nazareno, alyas Sgt. Sablay, alyas Gemini, alyas Virgo, alyas Pekenis at alyas Zyder. Lahat umano ‘yan ay iimbudo alyas Atty. Santos.

Hindi natin alam kung ‘yang si alyas Atty. Santos ay dumidiretso kay C/Supt. Bantolo.  

Mantakin ninyo, dinadaig pa ang ‘PAHIYAS’ kung magpiyesta sa pangongolektong ang mga kolek-tong ni NCRPO OIC C/Supt. Bantolo?!

C/Supt. Bantolo Sir, magtatanong lang po… totoo bang rumatsada na ng kolek-TONG ang mga nagpapakilalang ‘BAGMAN’ ng opisina ninyo?!

Pakisagot lang po!

O kung hindi naman, pakisuot ng HELMET at baka bukol-bukol ka na d’yan sa Bicutan!

“One Dream” one goodbye to your money

AGAD-AGAD walang pero-pero naglahong parang bula ang investment ng marami nating mga kababayan na nagoyo ng pyramiding scam na “ONE DREAM.”

Actually luma na ang balitang ito.

Marami nang ganitong karanasan ang ating mga kababayan. Marami na ang nagsabing naloko sila at nawalang parang bula ang salaping ilang taon nilang inipon sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

And of course, ang target po ng ga nitong mga scam ay overseas Filipino workers (OFWs).

Paulit-ulit po ‘yan.

Nagiging malaking balita lang ulit ‘yang pyramiding scam na ‘yan, depende sa kung sino ang mga nabibiktima.

Gaya nitong huling pyramiding scam na ONE DREAM na umabot sa P2 bilyon ang natangay ng mag-asawang Arnel Gacer at Jobelle de Guzman sa kanilang 4,000 miyembro.

Ayaw naman nating pasamain ang loob ng mga kababayan natin diyan sa Lipa, Batangas pero sana naman po naging maingat kayo.

Marami rin po kasi ang naghangad na tumubo ang pera nila kahit walang klarong paliwanag kung paano ito mangyayari.

Lalo na kung naisauli sa umpisa ang pera nila at kumita.

Ang gagawin magdadagdag ulit para mas malaki ang kita.

‘E nang mapasakay na sila, biglang nawala sina Gacer at De Guzman…

Good bye dollars and pesos!

Pwede namang idemanda sina Gacer at De Guzman, pero mabawi pa kaya ng mga biktima ang kanilang pera?!

Bukod sa mga pusher na may asuntong droga (lalo na kung pusher), ‘yang mga pyramiding scammer ‘e dapat talagang BITAY ang ipataw na parusa kapag nasentensiyahan!

Mga mangbibiyabit ng kuwartang pinaghirapan ng OFWs.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …