Sunday , December 22 2024

LGU officials pinadadalo sa oral argument (Sa Torre de Manila)

PINADADALO ng Korte Suprema ang mga opisyal ng lungsod ng Maynila sa susunod na oral arguments hinggil sa pagpapatayo ng Torre de Manila, ang binansagang photobomber ng bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park.

Sinabi ni Atty. William Jasarino, legal counsel ng Knights of Rizal, ito’y kahit nagpahiwatig ang mga opisyal ng lungsod na hindi sila lalahok sa pagdinig.

Umaasa si Jasarino na haharap sa Korte Suprema ang kinatawan ng Maynila para mabigyang linaw ang pagbibigay ng building permit sa condominium project.

Aniya, “‘Yung City of Manila po, nagsabi s’ya, nagpahiwatig na, may manifestation na, na hindi siya magpa-participate pero ini-require siyang dumalo pa rin… Sana nga tumayo sila roon para magpaliwanag kasi sa aming pananaw, lahat naman nagsimula doon sa pagbibigay ng building permit.”

Sasalang din aniya sa susunod na pagdinig ang kinatawan ng D.M. Consunji Inc. (DMCI), may-ari ng Torre De Manila, gayondin ang solicitor general na kumakatawan sa tatlong cultural agency na naghain ng reklamo.

Habang dumipensa si Jasarino sa pagkwestyon ng korte kung bakit Setyembre 2014 lamang naihain ang petisyon laban sa konstruksyon ng condominium.

“Hindi naman nangahulugan ‘yan na hindi kami kumilos dati pa. Kumbaga, may mga kasabihan na ‘yung makukuha po nang paupo, gawin mo nang paupo, bakit ka kaagad nakatayo. Ganoon po ang aming naging pamamaraan,” sabi ng abogado.

“Nagsumikap po kami na maabot ang DMCI, ang sambayanan, konseho ng Maynila. Nag-participate po kami sa mga proceedings kasama ng mga ibang tumututol noon pa.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *