Sunday , December 22 2024

Kandidatong swapang ‘wag iboto

NANAWAGAN si Pangulong Benigno Aquino III sa mga botante na ibasura ang mga kandidatong suwapang at walang pakialam sa bayan.

Sa kanyang talumpati makaraan inspeksyonin ang Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan kahapon, nagbabala rin ang Pangulo laban sa mga kandidatong naglalako ng mga hungkag na pangako at magsasamantala lang sa puwesto.

Ang dapat aniyang piliing pinuno ay ang magpapatuloy ng “tuwid na daan” o kampanya laban sa korupsiyong isinusulong ng kanyang administrasyon.

“Piliin ninyo ang pinunong tototoo rin sa inyo. Hindi sino mang magbibitiw ng mga pahayag at pangakong walang laman; hindi sino mang may ni kaunting duda tayong magsasamantala o manlalamang; hindi sino mang may ambisyong parating pansarili, imbes na para sa buong bayan—kundi piliin natin ang indibidwal na panatag tayong ipagpapatuloy ang tuwid na daan,” pahayag ng Pangulo.

Nauna nang inihayag ng Pangulo na iaanunsiyo ang kanyang ieendosong presidential bet sa 2016 elections makaraan ang kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 27.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *