Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bus pwede nang bumiyahe sa NAIA 3

BINIGYAN ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng special permit ang 55 city buses para bumiyahe hanggang sa NAIA Terminal 3 simula ngayong araw.

Ayon sa pangasiwaan ng Manila International Airport Authority (MIAA), mas kakaunti ang pampublikong sasakyang dumaraan sa Terminal 3 kung kaya’t nakipag-ugnayan  sila  sa  LTFRB  upang solusyonan ito.

Sa bagong iskema, daraan sa NAIA Road ang mga bus mula sa Roxas Boulevard. Babagtasin ang Domestic Road, Andrews Avenue at ang Circulo del Mundo na magsisilbing bus stop para sa mga pasahero ng Terminal 3.

Ayon kay MIAA General Manager Jose Angel Honrado, umaasa ang pangasiwaan na magiging simula ito ng paghahatid ng mas mainam na serbisyo para sa mga nangangailangan ng transportasyon mula sa NAIA.

Nagpasalamat din si Honrado sa maagap na pagtulong ng LTFRB.

Muling magkikita ang mga opisyal ng MIAA at LTFRB sa katapusan ng buwan upang suriin ang bagong iskema.

GMGaluno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …