LEGAZPI CITY – Kinompirma ng City Veterinary Office ng Legazpi na isinailalim na ang lungsod sa state of calamity dahil sa paglobo ng kaso ng rabies.
Ayon kay Dr. Nancy Andes, halos domoble ang kaso ng rabies sa siyudad kung ikukumpara sa nakaraang mga taon na mula sa halos 1,000 ay umabot ito sa mahigit 2,000 sa nakalipas lamang na anim buwan.
Sa nasabing bilang, hindi pa kasama ang mismong record sa buong probinsiya.
Nito lamang pagpasok ng taon may limang kaso na nang pagkamatay dahil sa rabies sa lalawigan ng Albay.
Sa ngayon, umaasa ang opisina na makikipagtulungan ang publiko sa kanilang ginagawang aksyon para mapababa ang malaking bilang nang mga nakakagat ng aso sa lungsod.