Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hamon ni PNoy sa kritiko maglabas ng pruweba (Mambabatas ‘di raw nagtatrabaho)

MAGHANAP ka ng pruweba na hindi nagtatrabaho ang mga mambabatas.

Ito ang hamon ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang pinakamatinding kritiko na bagama’t hindi pinangalanan ay sinasabing si Vice President Jejomar Binay na todo ang pagbatikos sa administrasyon mula nang kumalas sa gabinete.

Sa kanyang mga pahayag, tinawag ni Binay ang administrasyong Aquino na inutil at teka-teka.

“Magpapasalamat ako sa ating mga miyembro ng Senado’t Kongreso na talaga naman pong sa araw na ito, walang kaduda-duda, pinakamatinding kritiko na ho natin magsasalita—sige, maghanap ka ng pruweba na hindi talaga naglilingkod ang ating mga kinatawan sa parehong kapulungan,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati makaraan lagdaan para maging ganap na batas ang Philippine Competition Act at ang Cabotage Law kahapon sa Palasyo.

Ang Competition Act ay 20 taon natengga sa Kongreso ay nagbabawal sa “anti-competitive mergers, acquisitions and agreements” na nagpapahintulot sa isang kompanya na mamayagpag sa isang industriya.

Aabot sa P250 milyon ang multang babayaran ng sino mang lumabag sa nasabing batas.

Habang ang sa inamyendahang Cabotage Law  ay tinagurian nang “An Act Allowing Foreign Vessels to Transport and Co-load Foreign Cargoes for Domestic Transshipment and For Other Purposes.”

Sa naturang batas ay papayagan na ang mga dayuhang mga barko na may lulan na imported goods o import ng mga kalakal na makadaong saan mang pantalan ng Filipinas na magreresulta sa mas mababang gastos para sa mga negosyante at consumer.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …