Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fork lift operator todas sa freak accident (Blade tumilapon)

NATUSOK sa dibdib, ulo at nabale ang kaliwang braso ng isang 58-anyos forklift operator makaraan kumalas at bumagsak sa bubungan ng kanyang pinatatakbong forklift truck ang forklift blade sa loob ng isang barkong nakadaong sa Pier 18, North Harbor, Vitas, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Donald Panaligan, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong 6:46 p.m. sa loob ng LCT Akira na nakadaong sa nabanggit na lugar.

Nabatid na minamaneho ng biktimang si Rizalde Aisa, 56, ng Brgy. 105, Block 5, Magsaysay Village, Tondo, Maynila, ang forklift truck at akmang kukunin ang isang container van nang bumigay ang porklift blade at siya ay nabagsakan.

Sinabi ni Adolfo Sarbasa, 64, ship captain, hindi na nakaalis sa drivers seat ang biktima at dito na siya binawian ng buhay.

Leonard Basilio, may kasamang ulat nina Angelica Ballesteros, Rhea Fe Pasumbal, Anne Marielle Eugenio at Beatriz Pereña

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …