Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Basura ng Canada ‘di pwede sa Tarlac (Sabi ni Mayor)

MALINAW na may paglabag na ginawa ang presidente ng Metro Clark Waste Management Corp. (MCWMC) sa pagpayag na maitapon ang tambak-tambak na basura ng Canada sa Tarlac City.

Ayon kay Tarlac City Mayor Antonio C. Rodriguez Jr., may kasunduang pinirmahan ang MCWMC, kasama ang probinsiya ng Tarlac at ang Clark Development Corp. na pumapayag lang sa iilang lugar na makapagtapon ng basura sa landfill sa siyudad.

Kabilang dito ang mga basura galing Tarlac, Pampanga, Baguio at ilang lungsod sa Metro Manila.

“Kahit mga basura galing Visayas o Mindanao bawal din doon dahil iyon lang ang nakasaad (sa kasunduan),” paliwanag ni Rodriguez.

Malinaw rin, ayon sa alkalde, na may paglabag na ginawa si Rufo Colayco, presidente at chief officer ng ng MCWC sa nangyari at papatawan siya ng karampatang parusa, lalo at may nakalusot na higit 20 container van ng basura mulang Canada sa kanilang lugar.

Itinigil na muna ang pagtapon ng basura mula sa Canada, ayon kay Rodriguez, at inaalam na rin nila ang iba pang detalye kung paanong nakalusot sa siyudad ng Tarlac.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …