Sunday , December 22 2024

6M lalahok sa Metrowide quake drill

INAASAHANG aabot sa lima hanggang anim na milyon ang lalahok sa sabayang earthquake drill sa Metro Manila sa Hulyo 30.

Muling ipinaalala ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Francis Tolentino na isasagawa ang drill, dakong 10:30 a.m. hanggang 11:30 a.m.

Partikular sa unang 45 segundo, aabisohan ang lahat na mag-drop, cover and hold.

Marami aniyang sirena ang tutunog, pati mga kampana ng simbahan.

Bukod sa umaga, magkakaroon din ng earthquake drill sa gabi, dakong 8 p.m. hanggang 9 p.m. ngunit sa Pasig lamang partikular sa Ortigas Business District na malapit sa West Valley Fault.

Sa gabi aniya, mawawalan ng koryente ang ilang lugar sa Pasig area, inaasahan ding bibigat ang trapiko.

Tiniyak ni Tolentino na pinaghahandaan ng pamahalaan ang sabayang earthquake drill at hinihimok ang lahat na seryosohin ito.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *