Sunday , December 22 2024

300 residente naospital sa kontaminadong tubig (Sa Sarangani)

GENERAL SANTOS CITY – Mahigpit na tinututukan ng Municipal Health Office ng Alabel, Sarangani Province, ang Brgy. Pag-asa sa nasabing munisipyo dahil sa naitalang diarrhea outbreak.

Ito’y nang umabot sa 300 tao ang dinala sa ospital sa Lungsod ng Heneral Santos dahil sa nararanasang pagtatae.

Ayon kay Dr. Honorato Fabio, municipal health officer ng Alabel, nasa pitong purok na sa Brgy. Pag-asa ang apektado ng nabanggit na sakit.

Sa imbestigasyon ng Municipal Health Office, napag-alamang ang mga residente ay kumukuha ng inuming tubig sa ilog doon sa lugar.

Pinaniniwalaang kontaminado ang tubig bunsod ng nangyaring mga pag-ulan sa nakaraang mga linggo.

Napag-alaman ding karamihan sa mga residente sa naturang lugar ay walang palikuran o banyo.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *