Monday , December 23 2024

Trabaho kailangan ng Tayabasin hindi parking area!

MARAMI ang nagtataka kung bakit nagpipilit si Mayor Dondi Silang ng Tayabas, Quezon na maaprubahan ang budget ng lungsod na kinapapalooban ng P14-milyon underground parking sa harap ng city hall.

Bukod sa pagpupumilit na maaprubahan ito, marami rin ang nagtataka kung ano ang itsura ng P14M underground parking?!

Gaano kalaki kaya ‘yan?!

Ilang sasakyan ang magkakasya?!

Kung seryoso umano si Mayora ‘este Mayor Dondi sa proyektong iyan para mapakinabangan ng mamamayan, tingin nila ay maliit ang P14-M budget na ‘yan.

Bukod diyan, umiikot din ang tsismis na may suhulan sa konseho ng Tayabas City sa pamamagitan ng isang konsuhol ‘este konsehal ng tig-P100K para lamang maaprubahan agad sa Konseho ang nasabing budget!?              

Kaya lalo tuloy nagdududa ang mga Tayabasin. Unang-una trabaho ang kailangan ng Tayabasin, hindi parkingan!

Sino ang gagamit sa underground parking na gagastusan ng taxpayers’ money?! Sila-sila lang rin. Pera ng bayan, pero ang maki-kinabang ay iilan.

Ito pa ang isang nakapagtataka, matagal na raw pumuputok ang  ‘preventive suspension’ laban kay Mayor Dondi pero ‘bigla’ raw nag-request ng bakasyon ang justice sa Sandiganbayan 4th Division kaya hayun hindi na napirmahan ang order.

Nang makabalik na si justice, inakala nilang mapipirmahan na ang suspension order laban kay Dondi, pero hanggang ngayon hindi pa rin napipirmahan?                        

‘Yan ba ‘yung sinasabi ng Supreme Court na mandatory preventive suspension na makupad pa sa pagong?

Aabangan na lang ba ng mga Tayabasin kung ano ang mauuna?

Approval ng city budget ni Mayor Dondi o preventive suspension?!

Pakisagot na nga po!

APD Cpl. Panlilio sobrang ‘sipag’ sa NAIA T3?!

OVER the weekend, kapuna-puna ang sipag ng isang  Airport Police na kinilalang si Corporal Panlilio habang sakay ng zegway, isang one stand electric scooter sa curb side area ng NAIA Terminal 3 queuing area.

Feeling ‘pogi’ nga raw ang dating ng matikas na Airport police na nagpaparoon at parito sa kahabaan ng nasabing lugar na minamanmanan. Kontodo bigay pa ng instructions sa mga security guard na nagsisilbing back-ups sa kanya sa pagbibigay ng police visibility ng lugar.

Kaya lang sa unahang bahagi ng queuing ay kapuna-punang may mga nakaparadang taksi.

Lagpas sa taxi unit na nasa unahan na tila ‘waiting for something.’ Ang sabi ng airport insiders, ang taksi na nauuna na medyo nakadistansiya sa nauunang taksi ay pang-long distance.

‘Yun bang pang-long trip na mangongontrata sa pasahero outside Metro Manila.

Siyempre iba ang presyo no’n! 

Ang nakapila sa gawing likuran nito ay regular taxi driver na ‘nagbibigay’ ng toll fee na P20.

Ang tanong, kanino napupunta ang perang (P20) nakokolekta!?

Bakit parang ‘di yata nakikita ni Cpl. Panlilio ang nagaganap na ‘misteryo’ sa lugar na kaniyang pinangangasiwaan?

At bakit daw pati ang baguhang porter na nagbibigay ng serbisyo sa mga pasahero ay ‘pinakikialaman’ din ni Cpl. Panlilio?

Sinisita umano ni Cpl. Panlilio ang mga bagitong Porter gayong ito ay private service at wala sa kanyang pangangasiwa?

Ang sabi nga nila patungkol kay Cpl. Panlilio, “Your performance is good but we need clarification of works!”   

Ano nga ba ang tawag sa ganitong style ni Kabo Panlilio!?

Binay pampelikula daw ang buhay!?

KA JERRY, naduwal ako sa sinabi ni Sen. Nancy na ang buhay ng papa nya ay pwede igawa ng pelikula na sa una ay puros bugbog pero sa huli ay bida pa rin. Grabe nman ang ilusyon niya. +639195319 – – – –

Inutil MMDA at LGU traffic enforcers

SIR JERRY, last Thursday grabe to d max ang trapik sa EDSA. Bakit inutil mga MMDA at local gov’t traffic enforcers natin? Sa umaga puros kotong lng ginagawa nila. ‘Pag gabi at umulan na, wala na sila lahat! Walang pagbabago ho talaga! +639156680 – – – –

Sobra bilib ba ni Poe kay Chiz?

GOOD pm sir, ask ko lang bakit si Sen. Grace Poe lagi nakasandal kay Sen. Chiz. Napakagaling bang adviser ni Chiz kaya sobra bilib ni Poe? ‘Di ba cya nagkampanya kay Binay noon? +639162208 – – – –

Madilim na, marumi at super baho ang Maynila

WALA na po yata talagang pag-asa ang Maynila sa ilalim ng lideratro ni Erap. Ang paligid po ng city hall ay sandamakmak ang pulubi at mga taong natutulog sa gabi. Ang gilid ng SM ay napakapanghi. Puro basura ang kahabaan ng Arroceros. Ang Quezon Blvd., ginawang parking area. Sa Avenida sandamakmak ang vendor sa bangketa. Sa Ermita at Malate, nagkalat din ang maraing natutulog sa bangketa, may bata, sanggol, mga babaeng yayat ang mukha. Sa Bayside sa Roxas Blvd ay ganoon din. Araw-araw, kahit walang bagyo, lutangan nang lutangan ang mga basura sa Manila Bay. Ano na ba talaga ang nangyayari sa Maynila?  

+63917488 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *