Wednesday , November 20 2024

Trabaho kailangan ng Tayabasin hindi parking area!

MARAMI ang nagtataka kung bakit nagpipilit si Mayor Dondi Silang ng Tayabas, Quezon na maaprubahan ang budget ng lungsod na kinapapalooban ng P14-milyon underground parking sa harap ng city hall.

Bukod sa pagpupumilit na maaprubahan ito, marami rin ang nagtataka kung ano ang itsura ng P14M underground parking?!

Gaano kalaki kaya ‘yan?!

Ilang sasakyan ang magkakasya?!

Kung seryoso umano si Mayora ‘este Mayor Dondi sa proyektong iyan para mapakinabangan ng mamamayan, tingin nila ay maliit ang P14-M budget na ‘yan.

Bukod diyan, umiikot din ang tsismis na may suhulan sa konseho ng Tayabas City sa pamamagitan ng isang konsuhol ‘este konsehal ng tig-P100K para lamang maaprubahan agad sa Konseho ang nasabing budget!?              

Kaya lalo tuloy nagdududa ang mga Tayabasin. Unang-una trabaho ang kailangan ng Tayabasin, hindi parkingan!

Sino ang gagamit sa underground parking na gagastusan ng taxpayers’ money?! Sila-sila lang rin. Pera ng bayan, pero ang makikinabang ay iilan.

Ito pa ang isang nakapagtataka, matagal na raw pumuputok ang  ‘preventive suspension’ laban kay Mayor Dondi pero ‘bigla’ raw nag-request ng bakasyon ang justice sa Sandiganbayan 4th Division kaya hayun hindi na napirmahan ang order.

Nang makabalik na si justice, inakala nilang mapipirmahan na ang suspension order laban kay Dondi, pero hanggang ngayon hindi pa rin napipirmahan?                        

‘Yan ba ‘yung sinasabi ng Supreme Court na mandatory preventive suspension na makupad pa sa pagong?

Aabangan na lang ba ng mga Tayabasin kung ano ang mauuna?

Approval ng city budget ni Mayor Dondi o preventive suspension?!

Pakisagot na nga po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *