Sunday , December 22 2024

Palasyo nangantiyaw

KINANTIYAWAN ng Palasyo ang kampo ni Vice President Jejomar Binay dahil taliwas sa anti-libel na adbokasiya ng senatorial bet ng bise alklade ang paghahain ng P200-M damage suit laban sa mga mamamahayag at iba pang personalidad.

“Don’t they have a senatorial candidate-lawyer who wants to decriminalize libel? Why don’t media ask this candidate from VP Binay’s own party to comment on the filing of libel by VP against journalists et al?” sabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Ang abogadong si Harry Roque na isa sa mga senatorial bet ni Binay sa 2016 elections ay isa sa mga nagsusulong na ma-decriminalize ang kasong libel.

Naghain ng P200-M damage suit kahapon si Binay sa Makati Prosecutor’s Office laban kina Senators Antonio Trillanes IV at Alan Peter Cayetano, Ombudsman Conchita Carpio-Morales, former Makati Vice Mayor Ernesto Mercado,Caloocan City Rep. Edgar Erice, Presidential Management Staff chief Julia Abad, Mario Hechanova, Renato Bondal, Nicolas Enciso IV, Philippine Daily Inquirer, Bangko Sentral ng Pilipinas head Amando Tetangco Jr., at Teresita Herbosa.

Iginiit ni Binay na nadungisan ang kanyang reputasyon dahil sa isinusulong na imbestigasyon sa kanya at sa anak na si suspended Makati City Mayor Jun-jun Binay sa mga maanomalyang proyekto sa lungsod at pag-freeze sa P11-B assets sa mga banko na sinasabing pagmamay-ari nila at mga dummy.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *