Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beki dedo sa saksak

PATAY ang isang bading makaraan pagsasaksakin ng tatlong hindi nakilalang lalaki habang naglalakad sa Pedro Gil St., Paco, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Natagpuang tadtad ng saksak sa katawan ang biktimang si Ali Macky Ramos, nasa hustong gulang, ng 1715 Interior 8, Bo. San Vicente, Paco, Maynila, habang inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas.

Ayon kay PO3 Cayabyab ng Manila Police District Homicide Section, dakong 3:20 a.m. nang maganap ang insidente sa tapat ng Dr. M. Icasiano Health Center.

Sinasabing pinagkumpulan ng mga suspek ang biktima at pinagtulungang saksakin. Bagama’t sugatan ay nakapaglakad pa ang biktima ngunit pagsapit sa barangay hall ay nawalan ng malay.

Isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas. 

Inaalam ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa pananaksak na nakita sa footage sa nakakabit na CCTV sa lugar.

Leonard Basilio, may kasamang ulat ni Angelica Ballesteros

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …