Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong train ticketing system umarangkada na

UMARANGKADA na ang bagong ticketing system sa Light Rail Transit (LRT) Line 2 nitong Lunes. 

Idinetalye ni Atty. Hernando Cabrera, spokesperson ng LRT, ang mga feature ng bagong ticketing system. 

Sa ngayon aniya, sa Legarda Station pa lang nabibili ang card na nagkakahalaga ng P20.00. 

“‘Yung card na first time mong bibilhin P20 kaya lang for the next four years gamit mo ‘yung card kasi sa ‘yo ‘yung card,” paliwanag ni Cabrera. 

Gayonman, wala nang expiration date ang load. Aabot sa P10,000 ang halaga ng load na pwedeng ipakarga sa card. 

Bagama’t sa ngayon ay sa Legarda pa lang ito maaaring mabili, pwede nang magpa-reload sa iba pang mga estasyon ng Line 2. 

Ayon kay Cabrera, posibleng sa Miyerkoles o sa Huwebes ay pwede na rin bumili ng bagong card sa Betty Go Belmonte Station. 

“Paisa-isa ‘yan hanggang sa lahat ng estasyon ng Line 2 pwede nang bumili ng ating bagong card system,” ayon pa sa opisyal.

Kapag 100-porsyento na ang pagpapatupad ng bagong sistema, makata-tandem na rin ng LRT ang ilang retailer para makapagbenta ng load. 

“Pwede na rin magpa-load sa labas ng estasyon. Pwede na sa mga mall, sa department stores, convenience store,” dagdag ni Cabrera. 

Maaari rin iparehistro ang card para kapag nawala ito ng pasahero, pwedeng dumulog sa itatalagang website at ipa-block ang naturang card. Pwede rin i-transfer ang load mula sa nawalang card patungo sa panibagong card na bibilhin ng commuter. 

Para masigurong hindi maaabuso ang mga card para sa senior citizens at mga may kapansanan, ipinaliwanag ni Cabrera na ibang kulay ang iilaw sa mga gate ng estasyon kapag ginamit ang card. 

“Kung gumamit ay bata pwede naming hulihin. Ibig sabihin inaabuso na ‘yung gamit na para sa matanda,” aniya. 

Kapag naging tagumpay ang mga public trial, inaasahang ito ang sistemang gagamitin hindi lang sa LRT kundi maging sa MRT.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …