Sunday , December 22 2024

7,000 licensed customs brokers mawawalan ng trabaho

MALAKI ang posibilidad na mawalan ng trabaho ang mahigit sa 7,000 licensed customs broker sakaling tuluyang maging isang batas ang isinusulong na Customs Modernization Tariff Act.

Mismong ang Chamber of Customs Broker Incorporated (CCBI) ang nagbunyag ng naturang impormasyon sa pamamagitan ng isang pulong balitaan.

Tinukoy ng grupo na batay sa isang probisyon na nakasaad sa panukalang batas, gagawin na lamang optional ang serbisyo ng professional broker hinggil sa pagpoproseso ng mga imported entry upang mailabas sa Bureau of Customs (BoC).

Nakapaloob din sa naturang panukala na bibigyan ng awtorisasyon ang isang importer na magpoproseso at maglalabas ng imported goods sa Cutoms o kaya kumuha ng iba tao kahit hindi lisensiyadong custom broker.

Sa umiiral na batas sa kasalukuyan ay obligado ang mga importer na mag-hire ng mga lisensiyadong broker para iproseso sa Customs ang imported entry,

Ngunit kung babaguhin ang kasalukuyang batas na isang optional, nanganganib na ang propesyon ng mga broker at maging ng mahigit sampung libong estudyante ng customs administration.

Taon-taon ay mahigit dalawang libo ang kumukuha ng pagsusulit upang maging lisensiyadong broker.

Hindi rin naitago ng grupo ang kanilang sama ng loob makaraan hindi man lamang maimbitihan sa committee hearing samantala ang kanilang hanay ang numero unong apektado. 

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *