INABSUWELTO ng Manila RTC ang tatlong suspek sa tinaguriang Sulu bombing noong 2009 na ikinasugat ni dating Sulu Gov. Abdusakur Tan.
Ayon sa korte, hindi sapat ang nailahad na ebidensiya laban sa mga akusado kaya hindi sila maaaring idiin ng kampo ni Tan.
Kinilala ang mga akusado na sina Juhan Alimuddin, Sulayman Muin at dating konsehal Temogen “Cocoy” Tulawie.
Una rito, hinuli at nilitis ang mga akusado para sa kasong multiple frustrated murder at attempted murder.
Wala pang ipinalalabas na reaksiyon ang panig ng dating Sulu governor hinggil sa naturang court ruling.