Thursday , February 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roxas: 5 pulis sa rubout sa Maynila timbog na

HABANG abala sa pangangampanya sina Vice President Jejomar Binay, Senador Grace Poe at Francis Escudero para sa 2016 elections, abala naman si DILG Sec. Mar Roxas sa pagtugis sa mga kriminal sa lipunan.

Kahapon ay masayang inianunsiyo ni Roxas na nasakote na ng Philippine National Police ang kanilang mga kabarong pulis na pinaghihinalaang sangkot sa sinabing rubout sa Sampaloc, Maynila.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District (MPD) sina Sr. Insp. Rommel Salazar, PO3 Ferdinand Valera, PO1 Rhoel Landrito, PO1 Diomar Landoy at PO1 Ronald Dipacina na ngayon ay humaharap na sa mga kaso tungkol sa pagbaril sa isang tricycle driver na si Robin Villarosa.

 Mabuting balita ito para sa pamilya ni Villarosa, pagkatapos personal na tiyakin ni Roxas sa kanila noong Huwebes ang mabilis na pagtugis sa mga suspek.

Sabi ni Roxas sa kanyang Twitter account: “Law applies to all, lalo na kung pulis ka. Bawal ang abusado.”

Ikinatuwa rin ng netizens ang naging mabilis na aksyon ng Kalihim at ng PNP sa kaso, na pinuri ang mabilis na aksyon nito.

Samantala, pinuri ni Roxas ang mga operatiba ng PNP na nagtrabaho sa kaso.

“Nagpapasalamat ako sa mga miyembro ng PNP na nagsumikap para sa agarang pagresolba at para ipakita sa publiko na ang batas ay para sa lahat,” aniya. “Hindi exempted ang mga kabaro nila rito.”

Umaasa ang Kalihim na ang agarang aksiyon sa kaso ay magiging mensahe na “lahat ay pantay sa ilalim ng batas, maging ordinaryong tao, politiko man o pulis.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mendez Peñones Nartatez

Mendez bagong PRO3 chief; Peñones acting director PNP directorate for ops

ni MICKA BAUTISTA OPISYAL na tinanggap ni PBrig. Gen. Jess Mendez ang kanyang tungkulin bilang …

18 ex-marine soldiers romualdez

18 Ex-Marine soldiers kompirmadong naghatid ng male-maletang salapi kay dating Speaker Martin Romualdez

KINOMPIRMA ng 18 dating sundalo ng Marines ang naunang akusasyon ni Orly Guteza na nagdala …

PNP Calamba Laguna

Dalawang lasing arestado sa pananakit, pagbabanta

DINAKIP ng pulisya ang dalawang lalaking dahil sa pananakit at pagbabanta nitong Lunes, 23 Pebrero, …

San Jose del Monte CSJDM Police

2 Kelot timbog sa pagsikwat ng motorsiklo

DALAWANG lalaking nanalisi ng motorsiklo ang naaresto sa isinagawang operasyon sa Barangay Muzon Proper, City …

arrest, posas, fingerprints

Rapist ng menor-de-edad timbog

NAARESTO ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang isang lalaking nanggahasa ng menor-de-edad matapos isilbi …