Wednesday , November 20 2024

Nababato na ang mga taga-Bato

BUONG akala natin ay tanging Pansit Bato lang ang sikat na pansit, pinasikat din ito ng magandang dilag ng Bb. Pilipinas na si Venus Raj.

Mas may sumikat pa ngayon na isyu para mailagay muli sa mapa ng mundo ang maliit na bayan ng Bato, sa Camarines Sur.

Ang may hinid kukulangin sa 50,000 populasyon na bayang ito ay naBABATO na kung sino ba talaga sa tatlong tao ang kanilang Punong Bayan! 

Ang nanalo noong 2013 election ay si Jeanette Bernaldez at ang kanyang bise naman ay si Alvin Sacueza. Nanumpa at nanungkulan ang dalawa sa kanya-kanyang opisina.

Sa biglang ikot ng pangyayari. Sinuspinde ng Ombudsman si Bernaldez ng anim na buwan at isang araw na walang sahod.

Naturalmente si Sacueza ang pansamantalang uupo bilang alkalde at nanumpa bilang Meyor na may acting capacity. Pero Sinuspinde ng Sangguniang Bayan ng Bato si Sacueza dahil sa reklamong administratibo  ng ilang Konsehal. 

Biglang angat naman ngayon ang nangungunang konsehal na Si Domingo Zorilla at sumumpa bilang acting mayor noong Hunyo 22.

Aba’y nagkaloko-loko na at batong-bato na ang mga mamamayan ng bayan ng Bato sa Camarines Sur.

Ayaw bumaba sa puwesto si Bernaldez dahil umano’y dumulog pa siya sa Court of Appeals at hinihintay pa niya ang desisyon ng husgado.

Samantala, ito namang si Alvin Sacueza, ayaw din umalis sa pagkakaupo, katuwiran niya, may apela rin siya sa Malakanyang upang i-lift ang suspension na ipinataw sa kanya ng Konseho.

Nagkahalo-halong pansit-Bato tuloy ang sistema ng pamahalaang bayan.

Sino ba ang dapat pumirma sa mga transaksiyon ng munisipyo sa mga obligasyon sa mga empleyado, kontrata at iba pa? Sino ba ang responsable upang maituloy lamang ang serbisyong bayan ng Bato, Camarines Sur.

KOLING-KOLING DILG!

Bigyan solusyon na nga ninyo ang pagiging bato ng mga mamamayang ng Bayan ng Bato.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *